Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Returning actor Rainier Castillo hopes to jumpstart stalled showbiz career

by John Fontanilla
Sep 15, 2016
Rainer Castillo: "Alam ko naman kasi na darating ulit yung tamang time para sa akin… na magkakaroon ako ulit ng sunod-sunod na proyekto katulad ng dati. Ngayon medyo nababagalan ako sa takbo ng career ko."

Hindi raw maiwasang malungkot ni Rainier Castillo sa mabagal na takbo ng kanyang career ngayong nagbabalik na siya sa showbiz.

Nasa pangangalaga ngayon ng Viva Entertainment si Rainier mula pa nung March 2016.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Workaholic kasi ako, gusto ko lagi nagtatrabaho.

“Iniisip ko na lang na baka nga wala pang new show o kaya wala pang projects na bagay sa akin.

"Alam ko naman kasi na darating ulit yung tamang time para sa akin.

"Yung time na magkakaroon ako ulit ng sunud-sunod na proyekto katulad ng dati.

Patuloy ni Rainier, “Ngayon, medyo nababagalan ako sa takbo ng career ko.

“Wala naman tayong magagawa, so hintay lang, baka sa susunod meron na.

“Hoping pa rin ako. Ayaw ko naman mag-give up kasi naniniwala ako na may darating pa.

“Ito kasi ang gusto ko gawin, ang umarte at mag-perform.”

Si Rainier ay First Prince o runner-up sa unang batch ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA Network noong 2004.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga ka-batch niya na aktibo pa rin sa showbiz ay sina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes, Katrina Halili, Sheena Halili, at Dion Ignacio.

Noong 2010 ay umalis ng Kapuso network si Rainier at lumipat sa TV5, ngunit hindi gaanong umalagwa ang kanyang career doon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOT PICKY. Hindi naman daw choosy si Rainier sa mga projects.

Sabi ng 30-year-old actor, “Nagtatanong naman ako sa kanila [Viva] if bagay ba sa akin yung project na inaalok sa akin.

“Kasi alam ko na sa yung nakakaalam kung okey ba o hindi, if makakabuti ba sa akin o hindi.

“Mahirap kasi na mapili ka masyado sa proyekto, baka ang ending lalo ka mawalan.

“Tinatanong ko nga sila baka may new project na bagay sa akin, pero sinasabi nila wala pa, wait lang daw.

“So, eto ako ngayon, waiting pa rin. Who knows, baka bukas o sa mga susunod na araw meron na.”

Continue reading below ↓

Hindi rin daw niya binibigyan ng deadline ang kanyang acting career.

Ani Rainier, "Wala naman, kasi may mga times naman na marami at sunod sunod.

“May mga time naman na wala talaga katulad ngayon.

“Ayokong magbigay ng kung ilang taon ba ako maghihintay para maging okey ulit ang career.

“Katulad ng sabi kanina, willing ako to wait.”

LIMITATION. Handa ba siyang gumawa ng sexy o mature roles?

Sagot ni Rainier, “Lahat naman ng bagay napaghahandaan.

“Pag medyo sexy ang offer, kailangan paghandaan, kailangang magpalaki ng katawan.

“Ang pangit naman na haharap ka sa camera at mapapanood ka ng mga tao na wala kang magandang katawan.

“Basta lahat naman puwedeng pag-usapan at paghandaan.

“Kaya nga willing ako magpa-sexy, magpapalaki lang siguro ako ng katawan.

“Pag okey na, puwede na mag-go kasi I’m not getting any younger naman.”

Ang hindi niya raw kaya ay ang same-sex kissing scene.

“Naku, hindi ko pa kaya!

Continue reading below ↓

“Yun yung limitasyon ko, di ko pa kaya ‘yan.

"Siguro may bed scene sa babae, kaya ko ‘yan.

“Wala tayong pag-uusapan diyan!” natawang sabi niya.

NON-SHOWBIZ GF. Kumusta naman ang love life ni Rainier?

Aniya, “Going strong, ‘yan lang ang masasabi ko... non- showbiz siya.

“Napaka-supportive niya sa akin sobra, sobra.

“Alam niya yung trabaho ko kaya hindi siya nakikialam, hindi din siya selosa.

“Okey lang sa kanya if magkaroon ako ng katambal kasi alam naman niya na trabaho lang ito.

“Nalagpasan na namin yung selos-selos, seven years na din kasi.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rainer Castillo: "Alam ko naman kasi na darating ulit yung tamang time para sa akin… na magkakaroon ako ulit ng sunod-sunod na proyekto katulad ng dati. Ngayon medyo nababagalan ako sa takbo ng career ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results