Miguel Tanfelix speaks against premarital sex as PopCom U4U teen ambassador

IMAGE Rose Garcia

His clean image qualifies Miguel Tanfelix to teenagers like him about clean living. "Hindi rin po ako mahilig mag-party, hindi po ako sanay dahil ayoko po ng maingay. Ang bisyo ko pong talaga, mag-work at mag-basketball," he says.


Pressure daw para kay Miguel Tanfelix ang pagkakahirang niya bilang mukha at endorser ng U4U program ng Commission on Population.

Isa sa objective ng U4U ay maabot ang milyun-milyong teenagers tungkol sa negative effects ng teen pregnancy, tulad ng sexually-transmitted diseases.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kumuha ang POPCOM ng isang celebrity ambassador mula nang itinatag ang U4U.

Saad ni Miguel, “Pressure po siya, pero ayoko po siyang tingnan as pressure.

“Magandang chance po ito para mag-voice out, mag-reach out sa mga teenagers facing this kind of problem po.

“Parang huwag niyo po siyang titingnan as pressure but more on blessed ka pa na ikaw ang nakuha.

“Makakatulong ka sa mga teenagers at sa mga magulang dahil mai-inspire mo ang mga anak nila.”

Pero pag-amin din niya, “Pero siyempre po, may pressure rin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa launch niya bilang U4U ambassador noong September 14, sa Annabel’s Restaurant, kung saan naroon din ang PopCom executive director na si Dr. Juan Antonio Perez.

PREMARITAL SEX. Eighteen years old na si Miguel sa birthday niya sa September 21.

Ano ang stand niya sa pre-marital sex ngayong tutuntong na siya sa adulthood?

“No,” mabilis na sagot ng Kapuso teen star.

Aniya, “Kapag ginawa niyo po yun, ang kawawa, yung boy, yung girl, and the baby if ever na may mangyari.

“There are lots of things na puwede niyo pang gawin than doing early sex, early drugs, smoking.

“Gawin niyo na lang po ang passion niyo.”

Wala sa kanya ang kuryosidad at pagiging mapusok pagdating sa aspeto ng sex, lalo na sa kanyang edad?

Sabi ni Miguel, “Yung urge po… siyempre yung curiosity, hindi po matatanggal sa isip ng tao ‘yan.

“Pero ako, bilang teenager, actor and student, super busy po kasi ng schedule ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every day may school po ako; kung walang school, may taping, may guesting.

“Tapos, eto pa pong U4U, nagko-conduct din po kami ng seminar.

“Bumibisita po ako sa U.N., sa POPCOM, so hindi ko pa po siya naiisip yung ganun, alam ko rin po kasi ang priorities ko.

“If ever na naiisip ko siya, naiisip ko rin yung mga consequences na puwedeng mangyari.”

Hindi siya nate-tempt?

“Hindi naman po nate-tempt, basta ang core niyo po, keep your core.

“And yung values na itinuturo ng mga magulang niyo, huwag niyo pong kakalimutan.

“At iisipin niyo po yung nasa huli talaga ang pagsisisi.

“Huwag po kayong mag-settle sa panandaliang sarap at pangmatagalang hirap.”

SAFE VICES. Wala pa raw karanasan si Miguel sa sex. Paano kapag nagkaroon na siya ng seryosong relasyon, ma-in love?

Saad niya, “Ang mas maiisip niyo pong talaga, yung values na natutunan niyo po sa pagsalita sa Teen Trail.

“Sasali ka sa Teen Trail tapos wala kang mapupulot na aral.

“Parang sayang din naman po na nag-ambassador pa ako, wala rin pala akong natutunan.”

Ano lang ang bisyo niya?

“Basketball, mag-rollerblades, mag-work!” natawang sabi niya.

Lalong hindi rin daw siya naninigarilyo dahil asthmatic siya.

“Hindi rin po ako mahilig mag-party, hindi po ako sanay dahil ayoko po ng maingay.

“Ang bisyo ko pong talaga, mag-work at mag-basketball.”

CREDENTIALS. Paano ba siya napili na U4U celebrity ambassador sa hanay ng teen stars?

Ayon kay Miguel, “Siguro nag-research po sila kung ano ang ginagawa ko.

“Siguro po, nakita rin nila na I’m a responsible kid at hindi ko po kinakalimutan ang pag-aaral, nagwu-work po ako,

“And then, yung family ko po, yung daddy ko teacher, ang mommy ko po administrator at dating teacher.

“Yung lola ko po teacher. Siguro nakita rin po nila na malaking factor po ang education when it comes to this topic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Second year college na si Miguel sa La Salle-Dasma kunsaan kumukuha siya ng kursong Entrepreneurship.

Ang unang main event ni Miguel bilang U4U Celebrity Ambassador ay gaganapin ngayong Sabado, September 17, sa Teen Trail Event sa Commonwealth High School sa Quezon City.

“Gagawa po kami ng mga activities where hindi lang mga students ay may matutunan while having fun.

“At siyempre, sana ma-guide po namin sila para mas makapag-take po sila ng better decision.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN