Sid Lucero happily celebrates first year with GF Annicka Dolonius: "We make a good team."

by Ruel J. Mendoza
Sep 17, 2016
Sid Lucero on celebrating first anniversary with GF Annicka Dolonius: "What's good about our relationship is that we are open in understanding one another. And she keeps me grounded. The reason why I'm always happy is because of Annicka. Hindi lang ako ang mahal niya kundi pati ang anak ko na si Halo Eve."

May rason kung bakit maganda parati ang ngiti ng award-winning actor na si Sid Lucero.

Una ay ang magandang takbo ng relasyon nila ng kanyang actress-girlfriend na si Annicka Dolonius.

Noong nakaraang taon pa inamin ni Sid ang relasyon niya kay Annicka pagkatapos nilang gawin ang indie film na Apocalypse Child para sa QCinema International Film Festival.

Read: Sid Lucero admits relationship with Annicka Dolonius

Ayon kay Sid, going strong ang relasyon nila ni Annicka.

Pagmamalaki niya, “Everything is good with us.

“We’re still together. Naka-one year na kami.

“What’s good about our relationship is that we are open in understanding one another. And she keeps me grounded.

“The reason why I’m always happy is because of Annicka.

“Hindi lang ako ang mahal niya kundi pati ang anak ko na si Halo Eve [Sid's son].”

Dagdag pa niya, “We congratulated one another kasi we’re both nominated for the Film Academy of the Philippines.

Continue reading below ↓

“I’m for Best Actor and she’s for Best Supporting Actress.

“We make a good team and here’s hoping na tuluy-tuloy na ito.”

ALYAS ROBIN HOOD. Pagkatapos ng kanyang huling teleserye na The Millionaire’s Wife, kasama naman siya ngayon sa bagong primetime series ng GMA Network na Alyas Robin Hood, kunsaan first time siyang gaganap na kontrabida kay Dingdong Dantes.

“It’s my first time to work with Dingdong and it’s an honor for me, kasi Primetime King ng Kapuso network ang kaeksena ko parati.

“I play an ambitious and corrupt politician who will make life miserable for Dingdong.

“Kung sa huling teleserye ko ay baliw-baliw ako, dito naman ay iniba ko ang style ng pagiging villain ko.

“Mas dangerous ako rito. It’s a character that I really enjoyed doing,” sabi ni Sid sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Alyas Robin Hood last week.

MMFF DUTIES. Bukod sa kanyang pagiging busy sa TV, hinahanda rin ni Sid ang kanyang sarili para sa simula ng kanyang pag-upo bilang isa sa miyembro ng screening committee ng Metro Manila Film Festival 2016.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Sa ngayon ay hindi pa naman kami nakakapagsimula.

“Wala pa kaming napapanood na mga official entries.

“I think by October or November pa yata kami mag-start to screen the official entries.

“I’m pretty excited with this new task that was given to me.

“Malaking responsibilidad ito on our part kasi susuriin namin nang mabuti ang mga pelikulang papanoorin ng marami this coming Christmas.

“So, habang wala pa naman, may teleserye tayo and I’m also starting with a new indie film.

“I will be working with the people behind the indie film, Heneral Luna.

“It’s going to be another big challenge for me.

“Lahat naman ng gawing kong pelikula, nagbibigay sa akin ng bago at kakaibang challenge.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sid Lucero on celebrating first anniversary with GF Annicka Dolonius: "What's good about our relationship is that we are open in understanding one another. And she keeps me grounded. The reason why I'm always happy is because of Annicka. Hindi lang ako ang mahal niya kundi pati ang anak ko na si Halo Eve."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results