Rep. Vilma Santos still in touch with Angel Locsin

IMAGE Noel Orsal

Batangas Rep. Vilma Santos-Recto on Angel Locsin playing Darna in new movie: "Kung sa kanya mapupunta, good for her. Talagang isinasakripisyo niyang gawin 'yan. Good luck to you, Gel."


Inamin ng Star For All Seasons at Lipa City representative na si Vilma Santos na may komunikasyon pa rin sila ni Angel Locsin.

Si Angel ang ex-girlfriend ng panganay na anak ni Vilma na si Luis Manzano.

Sabi ng actress-politician, “Minsan nagte-text pa rin kami.”

Ipinapaubaya naman daw ni Vilma kay Luis ang desisyon kung mananatili silang magkaibigan ni Angel sa kabila ng pagwawakas ng kanilang relasyon.

Sabi niya, “Kung anuman sa anak ko, he’s mature enough to decide for himself.

“I’m a mom and I’m just here to guide.”

Sa kabilang banda, suportado rin daw niya ang anak kung saan at kung kanino ito sasaya.

Nauugnay ngayon si Luis sa Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.

Ayon kay Ate Vi, “Siyempre naman, anak ko yun. Pag masaya ang anak ko, masaya ako.

“Pag malungkot ang anak ko, malungkot ako. Nanay ako.”

ANGEL AS DARNA. Sa kabilang banda, ilang beses nang nabigyan ng buhay ni Vilma sa pelikula ang Pinoy superhero character na Darna.

Ngayong kumpirmado nang si Angel ulit ang gaganap sa latest remake ng Darna na ipo-produce ng Star Cinema at ng Reality Entertainment, nagpahayag ng kanyang pagsang-ayon ang Star For All Seasons tungkol dito.

Aniya, “Why not? Matagal din niyang gustong gawin yun.

“Kung sa kanya mapupunta, good for her.

“Talagang isinasakripisyo niyang gawin ‘yan.

“Good luck to you, Gel.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN