NUJP asks Duterte administration to investigate threats against 2 female reporters

by Bernie V. Franco
Sep 20, 2016
The National Union of Journalists of the Philippines appeals to the government to address the threats against female reporters Gretchen Malalad and Jamela Alindogan-Caudron.

Isang official statement ang inilabas ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay ng pangha-harass ng ilang netizens sa dalawang female reporters: ang freelance journalist na si Gretchen Malalad at ang Al Jazeera correspondent na si Jamela Alindogan-Caudron.

Ito ay kaugnay ng mga ulat tungkol sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga at sa seguridad sa bansa.

Ipinost ng NUJP ang nasabing statement sa kanilang website na www.nujp.org nitong Lunes, September 19.

Kamakailan, isang report ang ginawa ni Jamela tungkol sa paghihigpit ng seguridad sa bansa, na ipinag-utos ni Pangulong Duterte bunsod ng nangyaring pagbomba sa Davao City kamakailan.

Ipinost din ni Jamela ang report sa kanyang Facebook account.

Samantala, may mga lumabas na larawan sa social media na iniuugnay naman si Gretchen sa cover story ng TIME Magazine na may titulong “Night Falls On The Philippines,” na tumatalakay sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga.

Continue reading below ↓

Sa nasabing larawan, iminumungkahi na si Gretchen umano ang naging source ng artikulong isinulat ni Rishi Iyenger.

Makikita ang post na ito sa Facebook account ni Mocha Uson.

Sa mensahe ng dancer-singer, iminungkahi rin niyang si Gretchen ang naging source ni Rishi sa nasabing report.

Ipinost din ni Mocha ang pagko-comment ni Gretchen sa post ni Rishi.

Dahil dito, may ilang netizens ang nag-post ng mga hindi magagandang komento kontra kina Gretchen at Jamela.

Continue reading below ↓

Sa official statement ng NUJP, nilakipan nila ito ng screen grabs ng mga komento ng netizens na bumabatikos at pagsasalita nang masama kina Gretchen at Jamela.

Tinawag pa ng ilan ang dalawang female reporters na 'traitor,' 'biased,' 'bayaran,' at 'coward.'



Continue reading below ↓

NUJP STATEMENT. Sa statement ng NUJP, kinondena nila ang pambabatikos at pangha-harass ng ilang netizens kina Gretchen at Jamela.

“The National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) deplore the recent social media attacks on our colleagues, freelance journalist Gretchen Malalad, and Al Jazeera correspondent Jamela Alindogan-Caudron, which have gone beyond legitimate criticism of their professional output to outright threats on their persons.”

Handa rin daw silang tumanggap ng mga kritisismo para mas maging mahusay sa kanilang propesyon.

“However, we will never take any threats, whether of physical harm or to silence us, lightly for we have lost far too many of our colleagues and hardly seen justice for them.”

Hinimok din ng grupo ang administrasyong Duterte na lumikha ng special task force upang imbestigahan ang mga kaso ng media killings at banta laban sa mga mamamahayag sa Pilipinas.

“We do take some measure of hope from the Duterte administration’s creation of a special task force to investigate media killings and other threats against the Philippine press.

Continue reading below ↓

“This might be the perfect opportunity for the task force, or an equivalent mechanism currently available, to prove its worth.

"We call on Communications Secretary Martin Andanar to immediately cause an investigation and take action against the open threats against Ms. Malalad and Ms. Alindogan-Caudron, and to do its utmost to ensure that none of these are carried out.”

Hinimok din ng NUJP ang mga mamamahayag na i-report ang pagbabanta sa kanila dahil sa kanilang trabaho upang mabigyan ito ng agarang pansin.

Nakiusap din sila sa administrasyon na itigil na ang “constantly blaming the media for any controversy its words and actions give rise to.

“As communicators, we are only too aware of the power of words, especially when uttered by those in positions of leadership, for these may be, and have many times been, taken as gospel truth and a license to precipitate action by true believers.”

Samantala, ngayong Martes, September 20, nag-post si Jamela sa Facebook at nagpasalamat sa aksyon ng NUJP dahil aniya’y naaapektuhan siya sa mga pamba-bash ng netizens.

Continue reading below ↓

“The comments are disheartening though. At some point yesterday, it made me question whether the time I spend away from my family, going to difficult and dangerous places to get to the bottom of every single story was worth it.”

Gayunpaman, sinabi ni Jamela na magpapatuloy siya sa kanyang trabaho.

At press time ay wala pang pahayag si Gretchen.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The National Union of Journalists of the Philippines appeals to the government to address the threats against female reporters Gretchen Malalad and Jamela Alindogan-Caudron.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results