Paolo Contis tries his best to visit daughters with ex-wife Lian Paz in Cebu

by Ruel J. Mendoza
Sep 20, 2016
Paolo Contis on being away from his daughter with ex-wife Lian Paz: "Mahirap for me at sa mga bata. Hindi kami laging nagkikita. Hindi ko tuloy nakikita ang paglaki nila. I try my best to be with them."

Kung si Paolo Contis daw ang masusunod, gusto niya ay malapit lang sa kanya nakatira ang kanyang mga anak sa dating asawa na si Lian Paz.

Sa Cebu na kasi ngayon nakatira si Lian at ang dalawang anak na sina Xonia at Xalene; kasama ang mister ngayon ng dating EB Babes dancer na si John Cabahug at ang sarili nilang anak na babae.

Binibisita naman daw ng Kapuso actor ang kanyang mga anak sa Cebu kapag may sapat siyang panahon.

Naghiwalay sina Paolo at Lian noong 2012.

Inamin ni Paolo na magastos ang kada bisita niya sa kanyang mga anak, pero ginagawan naman daw niya ng paraan para, at least, three times a year ay makita niya ang mga ito.

“Mahirap for me at sa mga bata. Hindi kami laging nagkikita.

“Hindi ko tuloy nakikita ang paglaki nila.

“I try my best to be with them.

“Hinahanapan ko talaga ng panahon para kapag nandoon ako, kahit ilang days ay makakasama ko sila.

Continue reading below ↓

“Kahit magastos, okey lang, kasi ayoko namang lumaki sila na hindi nila ako nakikita, di ba?

“Yung support ko naman sa kanila, financially, ay tuluy-tuloy naman.”

Patuloy niya, “Pero kung ako nga ang masusunod sana, dito na lang sa Manila ang mga bata.

“Para mas malapit, mas parati ko silang napupuntahan.

“Kaso nag-decide si Lian na sa Cebu sila tumira dahil doon siya nagkaroon ng trabaho, at hindi naman niya puwedeng iwan ang mga bata.

“Kaya sakripisyo ito para sa amin ng mga bata.

“I hope na one day, maisipan ni Lian na dalhin na lang dito ang mga bata.

“I miss my kids every day,” pahayag ni Paolo sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang dalawa niyang anak daw ang dahilan kaya todo ang pagtatrabaho ni Paolo ngayon.

Bukod sa bagong primetime series na Alyas Robin Hood, regular din siyang napapanood sa gag show na Bubble Gang.

Saad niya, “Nagpapasalamat ako na tuluy-tuloy ang trabaho natin. Hindi tayo nawawalan ng show sa GMA-7.

Continue reading below ↓

“Lagi ko naman kasi naiisip ang mga anak ko, e.

“Minsan kapag nasa trabaho tayo, iniisip ko kung ano na ba ang ginagawa nila, kung okey ba sila sa Cebu.

“Alam ko naman na hindi sila pababayaan ni Lian.

“In fairness naman kay Lian, talagang maalaga siyang ina. Napakaingat niya pagdating sa mga anak namin.”

Read Next
Read More Stories About
Paolo Contis
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on being away from his daughter with ex-wife Lian Paz: "Mahirap for me at sa mga bata. Hindi kami laging nagkikita. Hindi ko tuloy nakikita ang paglaki nila. I try my best to be with them."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results