Joey Paras opens up about his heart condition: "Physically, hindi ako masaya, kasi hindi healthy."

by Jojo Gabinete
Sep 21, 2016
Joey Paras on his health problem: "Na-feel ko na maybe it’s about time na mag-focus ako sa sarili ko. Try ko kaya na tumigil muna sa career na ‘to kasi yun ang advise ng doktor? Lahat ng ginagawa ko kasi is bawal – sumigaw, mag-emote, gumalaw, umiyak, sumayaw…"

Ang kanyang kalusugan ang main concern ngayon ng comedian na si Joey Paras dahil may sakit siya sa puso.

Hindi sinasadyang naikuwento ni Joey ang kanyang mga pinagdaraanan nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang current state of mind.

“Incomplete” ang sagot ni Joey dahil nga sa karamdaman niya.

Paliwanag pa niya, “To be honest, ito na nga yung era na gusto ko nang mag-settle down.

“Unang-una kasi, I’m physically sick.

“Meron na akong heart failure. My doctor advised me to rest.

“Yung contraction ng heart ko, hindi na ganoon ka-powerful, so hindi na niya nasu-supply yung oxygen sa ibang parte ng katawan.

“Kaya yung pag-ubo ko, hindi siya dahil may phlegm o makati, dahil may water.

“So, dun ako nagwo-worry ngayon.

“Naaapektuhan yung work ko, pero nilalaban ko lang, diretso lang.

“Physically, yes, hindi ako masaya, kasi hindi healthy.

“Sana gumaling na ako.”

Nakausap ng PEP si Joey sa pictorial ng Working Beks ng Viva Films kahapon, September 20.

Continue reading below ↓

THE CAUSE. Ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng ganitong kundisyon?

Sagot ni Joey, “I think sa diet pills. Inabuso ko nung kabataan ko.

“Feeling ko, yun talaga.

“Sobrang nahihirapan ako sa paghinga.

“Sa diet pills talaga, nabibili siya sa Indonesia, tapos meron sa China. Pumayat ako nang sobra.”

Kuwento pa ng Sunday Pinasaya star, “Kasagsagan ng kadyowaan ko yun, payat, e.

“Bata, payat... pero yun pala, kapag itinigil mo, ayun…

“Kasi hindi naman ako drug addict, ang pinaka-vice ko lang, mag-yosi.

“Nag-tone down din ako sa paninigarilyo. Hindi rin dapat itigil nang bigla.

“Yun lang ang sad sa akin, health lang.”

WENN DERAMAS. Ayon kay Joey, dahil sa yumaong direktor na si Wenn Deramas kaya niya nalamang may sakit siya puso.

Lahad niya, “Siya lang ang nag-push na magpa-checkup ako noong ginagawa namin ang Flordeliza.

“Niyakap niya ako, sabi niya, ‘Bakla, sagot ko yung checkup mo, punta ka ng St. Luke’s.’

Continue reading below ↓

“Hindi ko maihakbang ang paa ko. Akala ko, gall bladder.

“Yun pala, sa puso, dahil hindi nabibigyan ng oxygen.

“Akala ko nga nung ma-diagnose ako na parang may heart problem, as in mag-e-exercise ako, magpapapayat uli.

“Ay, hindi, hindi ka na gagalaw.

“Yung stress test na kinuha ko nga, inihiga lang ako, in-injection-an lang ako ng chemical. Siya na yung magpa-pump ng heart ko.

“Yung exercise, hindi na siya para sa akin, hindi na kaya ng heart. Baligtad, di ba?

“Inaalam ko yung medical term, pero aside from enlargement of the heart, mahina yung contraction niya, tapos irregular ang heartbeat.”

Patuloy ni Joey, “Sabi talaga ng doktor, ‘Kailangan mo talaga, tumigil na.’

“Kaya na-feel ko na maybe it’s about time na mag-focus ako sa sarili ko.

“Try ko kaya na tumigil muna sa career na ‘to kasi yun ang advise ng doktor?

“Lahat ng ginagawa ko kasi is bawal – sumigaw, mag-emote, gumalaw, umiyak, sumayaw…”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Joey Paras
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey Paras on his health problem: "Na-feel ko na maybe it’s about time na mag-focus ako sa sarili ko. Try ko kaya na tumigil muna sa career na ‘to kasi yun ang advise ng doktor? Lahat ng ginagawa ko kasi is bawal – sumigaw, mag-emote, gumalaw, umiyak, sumayaw…"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results