Robin Padilla speaks out on celebs performing in Bilibid

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2016
Robin Padilla sees nothing wrong with celebrities performing in the Bilibid. "Nagtayo pa nga ako ng sining dati sa loob ng Bilibid kasi kasama 'yan sa rehabilitation," he says. But he also cautions, "Dapat may limits naman 'yon, hindi naman ginagamit sa kalokohan."

Walang nakikitang masama si Robin Padilla sa isyu ng pagpe-perform ng mga artista at entertainers sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Lumabas ang isyung ito sa isinagawang imbestigasyon ng House of Representatives tungkol sa paglaganap ng droga sa NBP noong panahon ni President Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa ginanap na hearing nitong Martes, September 20, pinangalanan ng witness na si Rodolfo Magleo ang ilan sa mga artistang nag-perform sa Bilibid; kagaya nina Sharon Cuneta, Freddie Aguilar, Mocha Girls, at Ethel Booba.

Dahil dito ay tinagurian pa ang pagkakaroon ng “Little Las Vegas” sa Bilibid.

Si Magleo ay dating anti-narcotics police na nahatulan sa kasong kidnapping noong 2004 at naging witness ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para sa imbestigasyon ng paglaganap ng droga sa loob ng NBP noong Aquino administration.

Si Senator Leila de Lima pa noon ang Justice secretary.

Pahayag ni Robin tungkol sa isyu. “Sa akin, di ko naman ‘yan kinokontra. In-encourage ko pa nga ‘yan.”

Continue reading below ↓

Matatandaang nakulong si Robin sa kasong illegal possession of firearms noong mid-'90s at nabigyan ng pardon noong 1998 pagkatapos ng dalawang taon sa Bilibid.

Kuwento pa ng aktor, “Nagtayo pa nga ako ng sining dati sa loob ng Bilibid kasi kasama ‘yan sa rehabilitation.

“Number one, ‘yan ang psychological level ng bilanggo o kahit na sino, importante dalhin mo sa arts.”

Pero paglilinaw ni Robin, kailangan daw ay may limitasyon ito.

“Pero siyempre dapat may limits naman ‘yon, hindi naman ginagamit sa kalokohan.

“Aminado naman si Senyor Colanggo na ginamit niya sa kalokohan, di ba?

“Nagpasok siya ng ilegal, nawala tuloy yung essence ng pagiging artist niya. Nawala,” pagtukoy sa isa pang witness na si Herbert Colanggo na naging lider ng notorious robbery group noong early 2000 at naging recording artist sa Bilibid.

Patuloy ni Robin, “Kasi ako dati, ilang beses kong dinala dati ang ABS-CBN dun, Channel 7 nung ako’y nakakulong.

Continue reading below ↓

“Ang daming pumupuntang artista roon, nagpe-perform. Hindi masama 'yon.

“Ang masama, yung pang-aabuso, magdala ka ng alak, magdala ka ng drugs, mali 'yon.”

Samantala, una nang ipinagtanggol ni Senator Kiko Pangilinan ang asawang si Sharon Cuneta sa kanyang pagpe-perform sa Bilibid.

Nag-status din si Mocha Uson tungkol sa isyu.

Read: Sen. Kiko Pangilinan explains why wife Sharon Cuneta performed inside Bilibid

Read: Mocha Uson on concert in Bilibid: 'Ako at ang aking grupo ay nagbigay ng malinis na kasiyahan.'

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla sees nothing wrong with celebrities performing in the Bilibid. "Nagtayo pa nga ako ng sining dati sa loob ng Bilibid kasi kasama 'yan sa rehabilitation," he says. But he also cautions, "Dapat may limits naman 'yon, hindi naman ginagamit sa kalokohan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results