Heart Evangelista reveals what she fears about pregnancy

by Nerisa Almo
Sep 22, 2016
Heart Evangelista on getting pregnant: "If it happens, it happens, you know. I'm not the type kasi na I obsess about ganito, ganyan. Bonus 'yon."

Ilang ulit nang nabanggit ni Heart Evangelista sa mga nakaraang panayam na handa na siyang magkaroon ng baby sa 2017.

Subalit sa kabila nito, inamin ng 31-year-old actress na may isang bagay siyang ikinababahala pagdating sa usapin ng pagbubuntis.

I don't know, I don't think you're ever prepared. I'm scared actually kasi takot akong maospital,” sabi ni Heart nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment editors kamakailan.

Ikinuwento ng Kapuso actress ang isang insidente sa ospital upang maintindihan ang kanyang pangamba.

I'm sure maraming makaka-attest sa Makati Med noong nagka-appendicitis ako.

Ako yung pinamalakas ang iyak doon, saksakan lang ako ng injection, talagang hiyaw.

There were nurses to hold me kasi sa paglalagay ng needle. So, I'm very scared,” sabi ni Heart.

Gayunman, naniniwala ang Kapuso star na darating ang panahong malalampasan niya ang takot na ito.

Sabi pa niya, “You know, I think, as a mom, that's why it's nine months, kasi you'll adjust to it para your body and mind are prepared to have a baby.

Continue reading below ↓

It's just scary kasi it's the next chapter in your life.

It marks that chapter na everything is getting old.”

Tinanong ng PEP kung nakapaghanda na ba siya sa pagiging magulang sa kambal na anak ni Senator Francis “Chiz” Escudero sa unang asawa nito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sagot ni Heart, “Not yet. I think I'm still getting the hang of it. Kasi, you know, I'm busy.

But, you know, I'm very good with kids, so hindi naman siya ganun ka-effort para sa akin.”

Sa ngayon, wala naman daw pressure mula sa kanyang asawa na magbuntis agad.

Hindi niya ako pinapakialaman, e. I just do my thing.

He's just not the type to ask me or pressure me. I appreciate it, actually.”

Sabi pa ni Heart, “If it happens, it happens, you know.

“I'm not the type kasi na I obsess about ganito, ganyan. Bonus 'yon.”

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista on getting pregnant: "If it happens, it happens, you know. I'm not the type kasi na I obsess about ganito, ganyan. Bonus 'yon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results