Kakai Bautista gushes over former boss Charo Santos: "Si Mama Mary ba na bumaba sa lupa... umiilaw."

by Rose Garcia
Sep 23, 2016
Kakai Bautista is beside herself with admiration for her former boss and co-star Charo Santos. She gushes, "Sobrang nakakatuwa, kasi sa lahat ng makakatrabaho mo, Ma'am Charo pa… napaka-humble. Jologs na sosyal na hindi mo maintindihan… mapapanganga ka na lang."

Wala raw kaide-ideya si Kakai Bautista na makakasama niya sa pelikulang Ang Babaeng Humayo ang dating presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.

Kuwento ng comedienne, “Nagbi-breakfast ako, nasa hotel kami sa Mindoro, dumarating, Charo Santos, pak!

“Sabi ko, huy! Tapos sabi nila, 'Siya ang artista rito.'

“‘Walanghiya kayo, hindi niyo sinabi sa akin!’

“Tapos si Ma’am Charo, ‘Hi, Cai, kumain ka na ba?’

“Hala, natulala na lang ako…. parang hindi mo maisubo yung kinakain mo.

“Sabi ko, ‘Ma’am Charo, kayo po pala ang kasama ko rito.’

“Nakakaloka, lahat pa ng eksenang ginawa ko sa pelikulang ito, siya pa ang kaeksena ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kakai sa press conference ng Ang Babaeng Humayo noong Miyerkules, September 21, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

STARSTRUCK. Sa presscon ay inihayag ni Kakai ang kanyang lubos-lubos na paghanga sa dati niyang boss sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

“Sa isang eksena na napakahabang monologue niya, na tine-take namin na umuulan, sabi talaga niya sa amin, “Kamusta?’

“‘Okay,’ e, parang wala kang mai-comment. Tatanungin tayo kung kumusta, e, grabe, ang galing ni Ma’am Charo.

“Araw-araw akong nai-starstruck sa kanya… si Mama Mary ba na bumaba sa lupa… grabe siya!”

“At saka, grabe siya, ‘Ma’am Charo, mag-payong ka.’

“’Okey lang ‘yan,’ ayaw mag-payong, hinahabol siya, ‘Ma’am Charo, mag-payong ka po.’

“‘Okey lang ‘yan. Uupo lang ako rito.’

“Tapos napaka-soft-spoken na parang palaging may binabasang sulat.

“Sobrang nakakatuwa, kasi sa lahat ng makakatrabaho mo, Ma’am Charo pa.”

Kinumpirma rin ni Kakai na wala silang mga standby-area na regular na nakikita sa mga taping o shooting.

Kung nasaan daw sila ay nandoon din si Charo.

“Jologs na sosyal na hindi mo maintindihan… hindi siya yung, ‘Ma’am, retouch na po tayo.’

“Hindi siya yung ganun, sobrang pati ikaw, mapapanganga ka na lang.

“Pati yung mga eksena niya rito, lalo na yung umuulan, sobrang grabe.

“Sobrang gusto mong mag-react kayong lahat, kaya lang kailangan mong makinig sa kanya.

Continue reading below ↓

“Na, 'Hay, bakit ngayon lang siya gumawa ulit ng pelikula?'

“Tapos itatanong niya, ‘Kumusta?’ Wow, saglit po!

“Wala kang masabi kung hindi, ‘Ma’am, grabe naman, Madam.’

“Hindi mo naano sa sarili mo, umiiyak ka na pala sa sobrang lalim, husay ni Madam sa eksenang yun.

“Hindi ko na-realize na tumutulo na pala ang luha ko sa sobrang galing niya.

“Sobrang suwerte na ang solid lahat from the staff, from the artists, at si Ma’am Charo, wala akong masabi.

“Kulang na lang belo, umiilaw siya kahit ang dilim-dilim sa Mindoro.”

Sabi pa rin ni Kakai, “Grabe si Ma’am Charo. Grabe itong pelikulang ‘to, sobra!”

Bago naging top executive ng ABS-CBN ay nakilala si Charo bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa bansa.

Ilan sa mga nagmarkang pelikula niya ay ang mga sumusunod: Itim (1976), Durugin Si Totoy Bato (1979), Ang Alamat Ni Julian Makabayan (1979), Agila (1980), Kakabakaba Ka Ba? (1980), Brutal (1980), Kontrobersyal (1981), Kisapmata (1981), Hindi Mo Ako Kayang Tapakan (1984), Paano Kung Wala Ka Na (1987), Gumapang Ka Sa Lusak (1990), Kapag Langit ang Humatol (1990), at Kailan Ka Magiging Akin (1991).

Continue reading below ↓

GOLDEN LION AWARD IN VENICE FILMFEST. Nakamit ng Ang Babaeng Humayo ang Golden Lion award sa 73rd Venice Film Festival, na ginanap noong August 31 hanggang September 10 sa Italy.

Kasama raw sana si Kakai sa delegate ng pelikula na nagpunta sa Venice at nakakuha na rin siya ng visa, “Kaso di na kinaya ng powers ko... hindi na nakaya ng schedules ko.”

Matagal na raw silang magkaibigan ng direktor ng pelikula na si Lav Diaz.

Kuwento ni Kakai, “Hindi pa siya gumagawa, actually, mahabang-mahaba pa ang buhok ni Lav.

“Yung beard niya, mahaba pa, kaibigan ko na siya.

“Palagi niyang sinasabi, 'O, gagawa ako ng pelikula...' palaging akong hindi natutuloy.

“Yung Hele, in-invite niya ko… hindi ako nakasali rin, schedule din, ang layo ng pinag-shooting-an din.”

Ayaw namang i-reveal ni Kakai kung ano ang karakter niya sa Ang Babaeng Humayo.

“Basta ang kaeksena ko po rito ay si Ma’am Charo.

Continue reading below ↓

“Abangan niyo na lang po kasi wala raw pong nakakilala sa akin dito.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakai Bautista is beside herself with admiration for her former boss and co-star Charo Santos. She gushes, "Sobrang nakakatuwa, kasi sa lahat ng makakatrabaho mo, Ma'am Charo pa… napaka-humble. Jologs na sosyal na hindi mo maintindihan… mapapanganga ka na lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results