PEP EXCLUSIVE. Albie Casiño "relieved" that the "truth" is finally out

by Arniel C. Serato
Sep 24, 2016
Answered prayer kung ituring ni Albie Casiño at ng ina nitong si Rina Casiño ang pagsisiwalat ng half-sister ni Andi Eigenmann na si Max na hindi si Albie kundi si Jake Ejercito ang ama ng anak ni Andi.

Parang nabunutan daw ng tinik sa dibdib ang aktor na si Albie Casino matapos kumpirmahin ni Max Eigenmann na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Si Max ay half-sister ni Andi; sina Albie at Andi naman ay dating magkasintahan.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, confirms Andi's sister

Sa pamamagitan ng text messaging ngayong Biyernes ng gabi, September 23, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie at ang kanyang ina na si Anna Kathrina 'Rina' Casino.

Idinaan ng PEP kay Mrs. Casino ang aming tatlong katanungan kay Albie, dahil kasalukuyan daw itong nasa dubbing.

Ayon sa aktor, labis na saya ang kanyang nararamdaman sa balitang ito.

Aniya, “I feel relieved.”

Mahigit limang taong nakaladkad ang pangalan ni Albie sa isyu kung sino talaga ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Umabot pa sa puntong pumayag ang kampo ni Albie na magpa-DNA test ngunit hindi raw ito natuloy.

Continue reading below ↓

Noong 2011 ay isa si Albie sa most promising young stars, at nakatambal niya si Kathryn Bernardo sa ABS-CBN primetime series na Mara Clara.

Magkakatambal sana ulit sina Albie at Kathryn sa Growing Up, pero pinalitan si Albie ni Daniel Padilla.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tanong ng PEP, sa tingin ba ni Albie ay malaki ang nawala sa kanyang mga oportunidad dahil sa naging isyu sa pagitan nila ni Andi?

Tugon ng Ang Probinsyano star, “Hindi naman, kasi it gave way to my schooling, which is a priority.”

Ngayong si Jake ang sinasabing ama ni Ellie, marami ang nakikisimpatiya kay Albie sa social media.

Katunayan, trending ang hashtag na #Albie ngayong gabi.

Komento ng mga netizens, kawawa raw si Albie sa pangyayari dahil naudlot ang kanyang kasikatan noon.

May mga nagsasabi pang dapat daw ay humingi ng paumanhin si Andi kay Albie, pati na ang ina nitong si Jaclyn Jose.

Mensahe naman ni Albie sa lahat ng mga naniwala sa kanya mula pa noon: “I would like to thank everyone who stood by me at naniwala sa akin.”

Continue reading below ↓

ANSWERED PRAYER. Isa sa hindi bumitaw at nanindigan noon para kay Albie ay ang kanyang ina na si Rina, na masugid na ipinagtanggol ang anak mula sa mga nanghusga rito.

May mga pagkakataon pang siya ang binatikos dahil diumano sa pangungunsinti nito sa anak.

Read: Albie Casio’s mom to Andi Eigenmann: 'This time, I don’t think we’re backing off. We’re going to speak up.'

Ngayon, wala raw pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman nila dahil lumabas na ang katotohanan.

'Answered prayer' din daw nila itong maituturing.

Pahayag ni Mrs. Casino, “We are very happy and relieved finally the truth is out in God's perfect time.

“Truly an answered prayer for us, we thank everyone who believed in us and stood with us through all these years.

“A big shoutout to the Albienatics! Am just really happy, thank you Lord!”

Sa kanyang Instagram account, labis ding nagpasalamat si Mrs. Casino sa Diyos at sa lahat ng nagdasal para sa kanila upang malagpasan ang delubyong ito sa kanilang buhay.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Answered prayer kung ituring ni Albie Casiño at ng ina nitong si Rina Casiño ang pagsisiwalat ng half-sister ni Andi Eigenmann na si Max na hindi si Albie kundi si Jake Ejercito ang ama ng anak ni Andi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results