Charo Santos-Concio respects Kris Aquino's decision to leave ABS-CBN: "She's welcome back anytime."

IMAGE Courtesy of ABS-CBN

ABS-CBN Chief Content Officer Charo Santos-Concio (in blue) has no ill feelings towards Kris Aquino and her decision to leave the Kapamilya Network. "I wish her all the best and thanked her for all the years that she has worked for ABS-CBN."


Wala daw sama ng loob ang aktres at ABS-CBN Chief Content Officer na si Charo Santos-Concio sa naging desisyon ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa pag-alis nito sa Kapamilya network.

Sa katunayan, sa interview niya sa Funfare column ni Ricky Lo sa Philippine Star, nag-text pa siya diumano kay Kris.

Sabi niya, “Actually, I texted her.

“I wish her all the best and thanked her for all the years that she has worked for ABS-CBN and I acknowledged that she has given so much relief and happiness, and delighted our viewers.”

Ayon din sa kanya, hindi siya nagdamdam sa naging desisyon ni Kris.

Dagdag niya, “Kahit na sino ang mag-decide umalis, like Aga [Muhlach], Sharon [Cuneta], and Willie [Revillame], wala akong pagdaramdam.

“Kasi [ang] importante, kung saan sila masaya.”

Saad pa ng ABS-CBN big boss, tatanggapin pa rin naman daw si Kris ng network kung sakaling mag-desisyon siyang bumalik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Of course, the doors of ABS-CBN are always open to people who want to work with us again.

“But you wait for the stars to align for it to happen.

“It’s not the decision of just one person. And, yes, Kris is welcome back anytime.”

Matatandaang noong September 12, inanunsiyo ng Queen of Talk na siya ay lilisan na sa ABS-CBN matapos ang dalawampu’t taong pamamalagi nito sa Channel 2.

Sinabi rin niyang magiging bahagi na siya ng APT Entertainment na pag-aari na Mr. Tony Tuviera.

Bagamat wala siyang sinabi kung saang network siya lilipat, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sa GMA Network ipinapalabas ang mga programang pinamamahalaan ng APT Entertainment, kabilang na ang Eat Bulaga! at Sunday Pinasaya.

Read: Kris Aquino bids goodbye to ABS-CBN, joins APT Entertainment

Noong huling bahagi ng 2013 ay na-tsismis rin na lilipat si Kris sa GMA subalit nagdesisyon itong manatili sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumirma si Kris muli sa Kapamilya network noong January 2014 at kasama pa si Charo, na noo'y presidente pa ng network, sa nasabing contract signing.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN