Assunta de Rossi still hopes to have a baby after 14 years of marriage

by Nonie Nicasio
Sep 26, 2016
Assunta de Rossi on having a baby: "I believe, siguro everything happens at the right time. Sabi nga, God is not one minute early and not one minute late, He is always on time."

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Assunta de Rossi na magkakaanak sila ng mister niyang si dating Negros Occidental Representative Jules Ledesma, pagkatapos ng halos 14 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ngayong tapos na ang shooting niya para sa pelikulang Higanti at ang teleseryeng Magkaibang Mundo, magpapahinga muna siya sa showbiz upang pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng anak.

Pahayag ni Assunta, “Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa, at least, marami naman kasing options.

“Nang natapos ko ang pelikulang ito at saka yung soap opera, mag-i-stop muna ako.

“I wanna have a baby first, hindi muna ako magtatrabaho.”

Dagdag pa ng 35-year-old actress, “Hayaan ko na lang yung doctor ko ang umayos.”

Pero ano ang payo sa kanya ng doktor?

Ayon kay Assunta, “I think kasi, kailangan ko muna talagang mag-stop mag-work, kailangan ko talagang hindi muna mag-work.

“Actually, dahil hindi nga ako masyadong nagtatrabaho ngayon, and my husband is not having politics anymore, so we have a lot of time.

Continue reading below ↓

“Medyo kahit paano, medyo marami nang oras.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Assunta sa trailer launch ng mga pelikulang Higanti at Pusit last week.

Ginanap ito sa 37th Manila International Bookfair sa SMX Convention Center sa booth ng Goodwill Bookstore.

Ang may-ari ng naturang bookstore na si Tess Cancio ang producer ng dalawang pelikulang nabanggit.

LIFE OUTSIDE POLITICS. Ano ang pagkakaiba ng buhay niya noon ngayong wala na sa politika si Jules?

Tugon ni Assunta, “Siguro… it’s pretty much the same.

“Maybe ang difference lang is time, na hindi ko na kailangang makihati sa oras.

“Kung ano ang ginagawa ko noon, ganoon pa rin naman ang ginagawa ko ngayon.

“Ganoon lang talaga ka-boring ang buhay ko.

“Kapag nabu-bore ako sa bahay, it’s either na lalabas ako with my friends or with my sister [Alessandra de Rossi].

“O kapag magyayang mag-date ang asawa ko.

“Ganoon lang talaga ang buhay ko, and I’m happier that way.”

Continue reading below ↓

Patuloy niya, “Siyempre aware naman ako, lalo na sa showbiz, na parang people expect you to be a certain person, di ba?

“Na ito ang imahe mo, na kunwari ang asawa mo ay mayaman, so dapat ay hindi ka nagtatrabaho.

“Or dapat yung buhay mo… dapat ay shopping ka na lang nang shopping lang, na dapat ay pampered ka, iyon dapat ang ginagawa mo na lang.

“Ako kasi, I always go against the grain, rebelde ako, e.”

LIFE WITH A BABY. Boring ba ang buhay niya dahil wala pang baby? Sa tingin kaya niya’y magbabago ito kapag nagkaanak na sila ni Jules?

Sagot ni Assunta, “Siguro, pero ako kasi mababaw lang ang loob ko, that’s how I was raised, e.

“Yung parang, ‘Huwag ka nang maghangad ng kung anu-ano, na makuntento ka kung ano ang mayroon ka.’

“Siguro, boring is not the right term.

“Siguro, very low key lang talaga. Hindi ako mahilig sa fanfare.

Continue reading below ↓

“Even sa ano… and I’m very active sa social media, sabi nila, boring daw ang mga posts ko.”

So, ang number one project niya ngayon ay makabuo na ng baby?

“Whatever God wants,” matipid na tugon niya.

Mas may time ba sila ngayon ni Jules gumawa ng baby?

“Mas may time kami for each other, hindi ko na kailangang makihati.

“Kailangan ko ba talagang i-share ang sex life ko?!” tawa niya.

PERFECT TIMING. Pero masasabi ba niyang ito na ang perfect time dahil magpapahinga siya sa showbiz at si Jules ay wala ngayon sa pulitika?

Ayon kay Assunta, “I believe, siguro everything happens at the right time.

“Sabi nga, God is not one minute early and not one minute late, He is always on time.”

Naiinis ba siya kapag natatanong kung kailan magkaka-baby?

“Hindi naman naiinis, kaya lang kasi, ang haba ng patience ko, e. Gets mo?

“For the last ten years, puro kami salo after salo ng mga obligasyon.

Continue reading below ↓

“Kasi ang asawa ko ay heredero e, ang dami niyang in-inherit.

“The problem is kung paano namin idi-distribute yun. Kasi it’s too much na, e.

“Pero idi-distribute din namin iyon sa workers and we’ll end up with 40 percent na lang.

“So, mabusisi yun and, ang ending, wala kaming anak. Iyon ang napala namin.”

Read Next
Read More Stories About
Assunta de Rossi, Jules Ledesma
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Assunta de Rossi on having a baby: "I believe, siguro everything happens at the right time. Sabi nga, God is not one minute early and not one minute late, He is always on time."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results