Alden Richards inks exclusive 'forever' contract with GMA Network

by Arniel C. Serato
Sep 27, 2016
Ayaw sabihin ng GMA Network at ni Alden Richards kung ilang taon ang pinirmahan nitong exclusive contract sa istasyon, pero mataga-tagal daw ito na parang 'forever.' Malaki naman ang pasasalamat ni Alden sa suporta ng GMA at executives nito sa kanyang karera.

Nananatiling Kapuso ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

Muling pumirma ng panibagong kontrata si Alden sa kanyang mother network kaninang umaga, September 27.

Hindi tinukoy kung ilang taon ang pinirmahang kontrata ng 24-year-old actor-TV host, ngunit tiniyak ng management na mananatiling Kapuso si Alden sa mahabang panahon.

Dinaluhan ng top executives ng GMA Network ang contract signing na ginanap sa GMA Boardroom, sa 16th floor ng GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Matapos nito, sinamahan ng iba pang executives ng network si Alden para sa presscon sa 17th floor, kung saan naging mabilis lamang ang palitan ng mga tanong ng press sa aktor dahil kailangan na nitong tumakbo sa Broadway Centrum para sa Eat Bulaga!


Continue reading below ↓

(Alden with ETV Senior Program Manager Charles Koo, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi S. Lara, ETV Senior VP Lilybeth Rasonable, Consultant for Business Development Department Marivin T. Arayata, Vice President for Drama Redgie A. Magno, and Vice President for Corporate Affairs and Communications Angela Javier Cruz)

“LOYALTY PAYS OFF.” Homegrown talent na maituturing si Alden.

Sa Kapuso network siya nagsimula, sa pamamagitan ng teleseryeng Alakdana (2011) hanggang ngayong isa na siya sa pinakamalaking bituin sa Philippine showbiz.

Kaya naman matapos ang limang taon, taas-noong sinabi ni Alden na malaki ang utang na loob niya sa GMA-7.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng press, “Since I began my showbiz career, parang the people who has been guiding me... every day told me that, ‘Loyalty is the key to the heart’s of people’ and ‘Loyalty pays off.’

“So, this is the proof of it.

Continue reading below ↓

“For the past five years, I’ve been very loyal to GMA, and the same, GMA to me, hindi po ako pinabayaan in terms of projects, career path.

“I cannot imagine myself transferring to… sa ibang bahay than GMA.

“Kasi they’ve been showing me support and care and love.

“So, parang I don’t see myself moving out of my home network.”

Read Next
Read More Stories About
Alden Richards
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw sabihin ng GMA Network at ni Alden Richards kung ilang taon ang pinirmahan nitong exclusive contract sa istasyon, pero mataga-tagal daw ito na parang 'forever.' Malaki naman ang pasasalamat ni Alden sa suporta ng GMA at executives nito sa kanyang karera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results