Mayor Cristina Gonzales-Romualdez addresses illegal drugs in Tacloban; mum about Yolanda funds

by Glenn Regondola
Sep 28, 2016
The war on drugs and emergency response are the priorities of Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez in her first 100 days in the office.

Ayon kay Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez, umpisa pa lang daw ay pinagtuunan na ng pansin ng kanyang administrasyon ang pagsugpo sa illegal drugs sa kanilang lungsod, bilang pagsunod sa direktiba ni President Rodrigo Duterte.

Pahayag ng dating aktres, “Hay, naku, first hundred days pa lang naman, pero ang talagang mga unang projects na aming nagawa ay because of the directives of President Duterte.

"Yung sa drugs, marami kaming drug surrenderees... at least a thousand or more.”

May programa na raw sila para sa rehabilitation ng mga sumuko pati na rin sa pagbabagong buhay ng mga ito..

“With the Philippine National Police [PNP], kami, and the private sectors na tulung-tulong ang mga businessmen, we set up a transformation center sa taas ng Astrodome na may rooms na hindi ginagamit.

“Tulung-tulong na... mga pastor, mga pari na nag-counselling sila, nag-music therapy kami, at marami pang iba na pang-alis stress din sa kanila.

Continue reading below ↓

“We also have Zumba at nag-e-exercise sila.

“Now, ilang buwan pa lang, meron na kaming assessment sa iba sa kanila for livelihood na puwede nang i-grant.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Cristina nang mag-imbita ito sa Tacloban City nitong September 23 to 26.

FIRST 100 DAYS. Ikinuwento ni Cristina na sa first 100 days niya bilang alkalde, ipinagpapatuloy niya ang mga naging proyekto ng kanyang kabiyak, si dating Mayor Alfred Romualdez.

Kabilang daw sa mga proyektong pinagbuti ng alkalde ay ang Community Climate Guide and Response, kung saan may isang text alert system na matatanggap ng mga residente para malaman ang update sa panahon, emergency alerts, at warning.

Matatandaan na ang Tacloban ang hardest hit ng Typhoon Yolanda noong 2013.

Patuloy ni Cristina, “May hotline kami na seven numbers at 24 hours siya to save lives.

"Lalo na kapag may sunog o may inatake sa puso, at mabilis ang response kasi maliit lang ang Tacloban, e.

Continue reading below ↓

“And, of course, yung iba't-ibang livelihood projects para sa kanila, at yung mga temporary settlers na ililipat na namin ang around three hundred of them sa permanent houses.”

Pinagtutuunan din ng pansin ng Tacloban government office ang pagbibigay ng bubong na matitirhan ng mga nasalanta ng bagyo at nawalan ng tahanan, sa tulong ng National Housing Authority.

Tumanggi naman si Cristina na magkomento hinggil sa pagkakadawit ng kanyang asawa sa Yolanda funds noong termino pa nito ilang taon na ang nakalilipas.

Aniya, “I wasn't mayor that time, so I can't comment on that kasi I was on the legislative, so I can't comment kung ano ang ginawa sa executive [department].

“But, definitely siguro, ina-address naman niya 'yan.

“Like ngayon, we're moving forward na, so kung ano ang dapat gawin na [dun na lang mag-focus].”

Sa nalalapit na ika-100 araw ni Cristina bilang mayor ng Tacloban, sinabi nitong sobrang abala siya sa mga programa para sa kanilang bayan.

Continue reading below ↓

Naging councilor din si Cristina ng siyam na taon bago siya naging mayor.

Aniya, “It's more serious kapag executive work, everything sa city, responsable ako.

“So I have to make sure na tama ang work ko, I have to make sure na... of course, I get advice also from my advisers, especially sa department heads, sa team ko ng legal team, lahat.

“Kasi, marami nga kaming ginagawa from the sunog, mga problema ng mga tao.

“Kumbaga, nanay nila ako, nanay ako ng city.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The war on drugs and emergency response are the priorities of Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez in her first 100 days in the office.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results