Angel Locsin confirms past breakup was caused by third party

by Bernie V. Franco
Sep 29, 2016
Kapamilya actress Angel Locsin admitted that a former relationship led to breakup due to a third party. However, the actress declined to name the said former boyfriend.

Inamin ni Angel Locsin na naranasan niyang makipag-break sa isang karelasyon dahil sa pagkakaroon ng third party.

Sa press conference ng upcoming movie ni Angel na The Third Party, kasama sina Sam Milby at Zanjoe Marudo, inusisa ang tatlong bida kung naranasan na nilang magkaroon ng third party sa kanilang relasyon at naging dahilan ng breakup nila.

“Oo meron, pero kung kanino man, sa ‘kin na lang ‘yon,” maiksing sagot ni Angel.

Sabi naman ni Zanjoe, wala siyang na-experience na ganoon at mutual decision daw ang pakikipag-break sa dating karelasyon.

Ayon naman kay Sam, “There was a feeling na baka meron, pero there was no proof, nothing like that.

“So I can’t say na meron sa past relationship, so I can’t say na meron for sure.”

Dahil ang tema ng pelikula ay ang pagkakaroon ng third party sa relasyon, nausisa si Angel kung tatanggapin ba niya ang sitwasyon at ang taong mahal kung magkarelasyon ito sa iba.

Continue reading below ↓

Sa pelikula, gagampanan ni Angel ang role ng isang babaeng iniwan ng kanyang boyfriend (Sam) at nakipagrelasyon sa kapwa lalaki (Zanjoe).

Sagot ni Angel, “Sa akin kasi, napakalawak ng love for me.

“Ang love for me, walang boundaries, walang limitations, walang anything.

“Pag tanggap ko yung tao, kahit ano man ang kaso niya, kung ano man yung baho sa kanya, dapat tanggapin mo.

“Depende yun sa ‘yo kung kaya mong mabuhay na wala siya o kaya mong tiiisin kung paano siya, kasi mahal mo siya.”

Ang The Third Party ay idinirek ni Jason Paul Laxamana at ipalalabas sa mga sinehan simula sa October 12.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Angel Locsin admitted that a former relationship led to breakup due to a third party. However, the actress declined to name the said former boyfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results