Albie Casiño's mom on public apology from Andi Eigenmann: "Okay na, kasi we're vindicated."

by Melba R. Llanera
Sep 29, 2016
Mrs. Rina Casiño: "It's enough that we're vindicated, it's enough that Albie's name has been cleared, it's enough that people are already accepting their mistakes."

Itinuturing na “answered prayer” ng pamilya Casino ang ginawang rebelasyon ni Max Eigenmann na si Jake Ejercito diumano ang biological father ng anak ni Andi Eigenmann.

Matatandaang sa podcast ng Good Times With Mo Twister noong September 22 ay kaswal na binanggit ni Max na si Jake ang ama ng kanyang pamangkin kay Andi.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula mismo kina Jake at Andi tungkol sa naging pahayag ni Max.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Ganunpaman, masaya ang ina ni Albie Casino na si Rina Casino dahil tila naabuswelto ang kanyang anak sa matagal nang isyu tungkol sa katauhan ng biological father ng anak ni Andi.

Matatandaang si Albie ang itinuro ni Andi na siyang ama ng kanyang dinadala noon. Ngunit itinanggi ito ng kampo ng young actor.

Read: Andi Eigenmann names Albie Casio as the father of her child

Continue reading below ↓

Pahayag ni Rina tungkol sa bagong kaganapang ito, “Of course, I’m very happy and relieved, it’s an answered prayer for us.

“We’ve been praying for it for a long time, it’s finally here, and it came in God’s perfect timing.

“That’s my answer naman to all, to all who’s been calling me, asking me, ‘How did you feel, how did Albie feel?’

“Si Albie, he’s happy, he’s doing his work, he’s doing his job.

“He’s happy and relieved. Very happy.”

Papausbong na noon ang showbiz career ni Albie sa bakuran ng ABS-CBN, ngunit lumamlam ito nang masangkot siya sa kontrobersiya.

Positibo namang tinitingann ni Mrs. Casino ang lahat at naniniwalang lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit dapat mangyari.

Saad ni Rina sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Yeah, I know, I know…

“Pero, you know what, sometimes I believe that everything happens for a reason.

Continue reading below ↓

“Marami nga saying he’s going up, paganda na yung career niya, yung love team nila ni Kathryn [Bernardo], kasama siya sa Mara Clara… and then nawala because of that.

“For us naman, he’s going to school, he was able to finish his school and go to college.

“It gave way to his school, which is also a priority for him.”

DEEPLY HURT. Hindi naman itinago ni Mrs. Casino na nagkaroon siya ng malalim na sama ng loob kay Andi at sa ina nitong si Jaclyn Jose dahil sa masasakit na sinabi ng mga ito sa interviews nila noon tungkol kay Albie.

Sabi ng ina ni Albie, “Of course, siyempre, I will be hypocrite to say okay lang.

“Of course, masakit sa amin yun, sa family namin, sa asawa ko, sa clan nila.

“They were pointing on us, parang di naman namin alam kung makipag-usap sila to settle something.

“Kasi we are really asking for a DNA test, tapos pinalabas nila na kami ang masama, and they are really bullying us.

Continue reading below ↓

“Sa amin, choice namin is to really be quiet ‘coz we really know the truth.”

Binalikan din ng ina ni Albie kung anu-anong pamba-bash ang natanggap nila noon.

“Oh my, before, kasi nga dati love na love siya before ng mga fans dahil nga sa Mara Clara.

“All praises for him, marami siyang fans, marami siyang followers. Me, personally, kaano ko sila sa Twitter.

“And all of a sudden, this came, itong negative issue na ito.

“They were bashing him, they were cursing him and pati ako.

“‘Ang sama mo, anong klaseng nanay ka, sana mamatay ka,’ may mga ganun.

“You know, for awhile, I stopped going to my social media accounts, Twitter.

“I felt so bad tapos na-depress ako, I was depressed.

“Pero alam mo si Albie, he just went on.

“Kung makikita si Albie, he was firm in saying, ‘Mom, I don’t know.’ We stood by him.

“Pero ako pa nga ang na-stress, e, because of the negative things that they’ve been throwing to Albie.

Continue reading below ↓

“You know, it’s hard to be a mother.

“Sabi ko nga, sana sa akin na lang nangyari yun, hindi kay Albie, kasi napakasakit.”

NO NEED FOR PUBLIC APOLOGY. Marami ang nagsasabing dapat mag-public apology si Andi sa ginawa nito kay Albie.

Ngunit ayon kay Mrs. Casino, “Alam mo, the public apology, dami ngang humihingi nun, di ba?

“For us, okay na, kasi we’re vindicated.

“For them, I don’t know kung paano nila malilinis ang pangalan nila or something.

“I don’t know, it’s up to them.

“But for us, it’s enough that we’re vindicated, it’s enough that Albie’s name has been cleared, it’s enough that people are already accepting their mistakes.

“I got messages in my FB, my Twitter, in my Messenger, saying, ‘I am sorry, I was one of those who bashed your son. I am judgmental to your family, sorry, please forgive us.’

“I have forgiven them. I surrender them to the Lord.

Continue reading below ↓

“I’ve forgiven Andi, I’ve forgiven their family.

“And for me, it’s all well.”

Hindi rin daw tinututulan ni Mrs. Casino ang pakikipagkasundo ni Albie kay Andi.

Sabi niya, “Of course, okay kung bati-bati, maayos, that’s good.

“Wala namang ano… ayoko na ng masamang tinapay.

“If everything’s okay, as long as... I hope she’s really true to herself.

“Ayoko na gagamitin lang kami sa intriga at kung saan-saan pa.”

May mensahe rin si Mrs. Casino kay Andi.

“Sinasabi ko nga lagi na sana she will truly find peace. She will find whatever peace she need.

“And then, she will be true to herself and to her daughter.

“I wish that everything will turn out well for her also, not only sa career niya but for her personal life.”

DNA TEST. Nakarating din daw kay Mrs. Casino ang matagal nang usap-usapan noon na sumailalim diumano sa DNA test ang anak ni Andi, at dito raw nalamang hindi si Albie ang ama ng bata.

Continue reading below ↓

Ayon sa ina ni Albie, “Alam mo, sa totoo lang, we’ve been hearing about that, rumors until that come out.

“Remember, si Albie whenever he’s out, the press will ask him, ‘May DNA test na raw, are you vindicated?’

“For Albie, he’s still not vindicated until it comes from them.

“Hindi naman siya ang nagpa-DNA test, saka wala talaga siyang alam.

“We’ve been hearing rumors and also people from press, pero wala kaming confirmation.

“That’s been our prayer… my prayer was in God’s perfect time, everything will be revealed.

“Eventually it came out.

“We’re just really very happy and we’re just really praying.”

Patuloy ni Mrs. Casino, “I know it will really come out soon, but I didn’t expect it now, kasi ilang years na rin yun.

“We’re living naman peaceful life now, e.

“And even without that, Albie eventually coming back sa showbiz, di ba…

“We’re just thankful for everything that’s happening now.”

Continue reading below ↓

Nagbigay rin ng mensahe ng pasasalamat si Mrs. Casino sa lahat ng taong nagtiwala, naniwala, at hindi bumitiw kay Albie.

“Lagi kong sinasabi sa kanila, we are truly blessed to have people who really stay behind us. Who believe in us, especially to Albie.

“We are thankful and grateful to all of them.

“Special shoutout nga, lagi naming sinasabi sa mga Albienatics, sa mga fans niya, sila sila Frank, sila Ruth…

“Basta marami sila na talagang who stayed with us, nandiyan lang para sa amin.

“Talagang nakipag-away, nakipaglaban, nandiyan lang sila, we are grateful to all of them.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mrs. Rina Casiño: "It's enough that we're vindicated, it's enough that Albie's name has been cleared, it's enough that people are already accepting their mistakes."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results