Dimples Romana reveals how Andi Eigenmann handled latest controversy

by James Patrick Anarcon
Sep 30, 2016
Dimples Romana says Andi Eigenmann thought of her daughter's welfare amidst controversy. "Andi is such a good mom that she only cares not what other people are thinking about her, but she cares what other people are going to do or how it's going to affect Ellie."

Ayon sa Kapamilya actress na si Dimples Romana, hindi naapektuhan ang pagtatrabaho ng co-star niya sa The Greatest Love na si Andi Eigenmann kahit na may pinagdadaanan ito.

Sa katunayan, magkakasama pa raw sila sa taping nang pumutok ang balita tungkol sa rebelasyon ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann tungkol sa biological father ng anak ng una.

Ayon kay Max, si Jake Ejercito diumano ang tunay na ama ng anak ni Andi.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Kapansin-pansin din kasi ang hindi pagdalo ni Andi sa ginanap na Remembering Our Greatest Love: Alzheimer's Disease Awareness Forum kahapon, September 29, kung saan pumunta ang iba pang lead stars ng programa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), TV Patrol, at iba pang reporters kay Dimples pagkatapos ng forum, sinabi niyang si Ellie agad ang inisip ni Andi nang malaman ang balita.

Continue reading below ↓

Aniya, “We were there… whichever you are [referring to], and I think it helped that we were there.

The Greatest Love family is not just a family on the set, we are a family as a whole, whether on cam or off cam.

“I think we were shooting the pamamanhikan scene.

“I'm not sure if I can share any details because it's not my story to tell.

“I like to give that to Andi because that's her privacy.

“But for anything, Andi is a human being. She gets hurt.

“And I think the best thing lang is Andi is such a good mom that she only cares not what other people are thinking about her, but she cares what other people are going to do or how it's going to affect Ellie.

“She's working and it didn't affect her as a mom because she's a great mom.”

Dagdag pa ni Dimples, mas pinalakas daw ngayon si Andi ng mga pinagdadaanan niya sa buhay bilang isang ina.

Continue reading below ↓

Saad niya, “She talks about Ellie all the time and ang ganda lang because kahit na anong pagdaanan ni Andi, and I've been there with her through everything.

“Lagi ko siyang kasama for some reason and she never changed, bata pa hanggang ngayon, even stronger now because she's a mom.

“You know how motherhood makes you… she's a superhero.

“Ang galing lang because noong nalaman niya yun, ang unang instinct niya was to think about Ellie.

“Si Ellie una niyang iniisip. Hanggang huli si Ellie lagi [ang] iniisip niya.”

Ayon pa kay Dimples, ang lead star at "nanay" nila sa programa na si Sylvia Sanchez ang nakausap ni Andi.

Kuwento niya, “Actually it was Nanay [Sylvia] who gave her an advice, may ibinulong kasi si Nanay. Hindi ko alam kung ano yun, nasa kabilang side kasi ako.

“Pero nilapitan siya ni Nanay, niyakap siya.

“Of course, ang puso ni Andi, ano, nakita ko din naman.

Continue reading below ↓

“And as children, the other children of Nanay Ibyang [palayaw ni Sylvia] and the show, we have to step back a bit, but she knows we're there for her.”

Ayon sa staff ng programang The Greatest Love, hindi raw nakadalo si Andi sa nasabing forum dahil may prior commitment na ito.

Samantala, simula nang pumutok ang balita tungkol sa rebelasyon ni Max ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Andi o si Jake tungkol sa isyu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana says Andi Eigenmann thought of her daughter's welfare amidst controversy. "Andi is such a good mom that she only cares not what other people are thinking about her, but she cares what other people are going to do or how it's going to affect Ellie."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results