Heart Evangelista not worried about her biological clock: "My egg count, not a problem."

by Rose Garcia
Sep 30, 2016
Heart Evangelista: "According to my doctor, I'm like my mom. Anytime I want, I can [get pregnant]."

Inamin ni Heart Evangelista na takot siyang mabuntis.

Ito ay sa kabila ng pagiging bukas niya sa pagsasabing plano na niyang mabuntis sa Enero 2017.

Read: Heart Evangelista: "I think I'll get pregnant in January."

Natatawang sabi ng Kapuso actress: “I’m scared. Takot ako sa needles, takot ako sa lahat.

“Noong tinanggalan nga ako ng [appendix dahil sa] appendicitis, nag-commotion pa ako sa Makati Medical Center. Nahiya ako.

“Sigaw talaga ko. Sigaw ako nang sigaw.

“Pero siyempre, kapag nabuntis na, maybe kaya, may nine months to prepare you.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa contract signing niya sa Viva Entertainment noong Lunes, Setyembre 26.

Thirty-one years old na si Heart, pero hindi raw siya nangangamba sa posibilidad na mahirapan siyang mabuntis.

Kaugnay ito ng paniniwala ng iba na habang tumatanda ang isang babae ay mas mahihirapan itong magdalangtao.

Sabi ni Heart, “According to my doctor, I’m like my mom. Anytime I want, I can [get pregnant].”

Continue reading below ↓

Ang kanyang ina na si Cecile Ongpauco ay 36 years old nang ipanganak siya.

Wala rin naman daw problema pagdating sa kapasidad niyang magdalangtao.

Giit ng Kapuso actress, “Everything, I’m good. My egg count, not a problem."

Nakatakda raw dapat silang mag-honeymoon ng mister na si Senator Francis “Chiz” Escudero sa ibang bansa.

Ngunit naudlot daw ito dahil balik-senado na ulit ang mister.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista: "According to my doctor, I'm like my mom. Anytime I want, I can [get pregnant]."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results