Toni Gonzaga gives birth to first child with Paul Soriano

IMAGE Mark Atienza

Toni Gonzaga has given birth to her first child with husband Paul Soriano this Friday morning, September 30. The couple named their baby boy Severiano Elliott Gonzaga Soriano or Seve for short.


Nagsilang na si Toni Gonzaga sa unang anak nila ng mister niyang si Paul Soriano nitong Biyernes ng umaga, September 30, sa St. Luke's Global City, Taguig.

Ibinalita ni Paul ang pagdating ng kanilang baby boy sa kanyang Instagram post ngayong umaga.

Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak bilang Severiano Elliott Gonzaga Soriano o Seve, na lumabas bandang 5:32 A.M. kanina.

Si Seve ay may timbang na 7.2 lbs.

Sabi pa ni Paul tungkol sa kanyang mag-ina, "Tin and Seve are doing great and now taking it easy. Thank you all for your prayers and support!! God bless."

mommy @celestinegonzaga #GodisGood #BabyBoy

A photo posted by Paul Soriano (@paulsoriano1017) on

Dalawang araw bago niya isilang si Seve, nagpahiwatig si Toni na handa na siyang manganak, base sa kanyang Instagram post kagabi, Setyembre 28.

Sabi ni Toni sa caption ng naturang post: "Ready when you are... @paulsoriano1017."

Ready when you are.. ???? @paulsoriano1017

A photo posted by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Bago ito ay dumalo pa si Toni sa premiere night ng pelikula ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga, ang My Rebound Girl, noong Martes, September 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng nakakaramdam na siya noon ng contraction o paghilab ng kanyang tiyan.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN