ToMiho in favor of naming celebs in Duterte drug list

by Rachelle Siazon
Sep 30, 2016
"Opo, kasi siyempre hindi naman tama yun. Kailangan natin i-correct kung ano yung tama," says Miho Nishida (in photo, with boyfriend Tommy Esguerra), who agrees to the idea of naming celebrities allegedly involved in drug trade. 

Pabor ang magkasintahang Tommy Esguerra, 22, at Miho Nishida, 24, na pangalanan ang mga artistang diumano’y sangkot sa ilegal na droga.

Kaugnay ito ng napabalitang listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 50 celebrities na diumano’y gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga.

Pahayag ni Miho, “Opo, kasi siyempre hindi naman tama yun. Kailangan natin i-correct kung ano yung tama. So, yes.”

Iginiit din ni Tommy na responsibilidad ng mga artistang tulad nila ni Miho ang maging huwaran sa kabataan.

Aniya, “As artists, we are the role models. Gosh, we’re on TV. We’re on everyone’s home.

“So, whatever these young impressionable young kids see from us, that’s what they’re going to, in turn, copy.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Tommy at Miho pagkatapos ng kanilang presscon para sa Ipaglaban Mo, nitong Miyerkules, September 28.

Dito ay sinabi ng magkasintahan na anumang oras ay handa silang sumailalim sa isang drug test.

Continue reading below ↓

Sabi ni Tommy, “Of course, yeah. Why not?

“There are some people who have needle issues...

“But overall, I think, yeah — if it’s not against your beliefs — do it.”

Dagdag ni Miho, “Yes po. Wala pong problema sa akin.”

DUTERTE'S WAR ON DRUGS. Noong Setyembre 26, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief at Director General Ronald “Bato” dela Rosa na handa siyang ipatupad ang Oplan Tokhang sa mga artistang sangkot sa droga.

Read: PNP Chief Bato dela Rosa: Celebs on drug list not exempted from Tokhang

Kasunod ito ng anunsiyo ng kaalyado ni President Duterte na si Martin Dino na hawak nito ang drug list kung saan dawit ang 50 celebrities.

Sampu diumano sa mga ito ay nagtutulak ng ilegal na droga.

Read: At least 50 celebrities allegedly included in drug list; 10 suspected drug pushers

Read Next
Read More Stories About
PBB 737
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Opo, kasi siyempre hindi naman tama yun. Kailangan natin i-correct kung ano yung tama," says Miho Nishida (in photo, with boyfriend Tommy Esguerra), who agrees to the idea of naming celebrities allegedly involved in drug trade. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results