Lovi Poe fed up with traffic, transfers to Quezon City

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe on traffic: "Nahihirapan na rin ako na every year, it gets traffic and traffic. Tapos, gigising ako nang maaga, instead na makatulog pa 'ko ng mas late, dahil sa traffic, kulang. E, ako, I hate being late kasi."


Sa sobrang traffic ay lilipat na raw si Lovi Poe sa Quezon City mula sa kanyang town house sa Taguig City.

Sa ngayon ay inaayos pa raw ang bagong titirhan niya, “It has three bed rooms, pero I made it into two na lang.”

Ayon pa kay Lovi, “It’s another bachelorette town house, sa may Commonwealth.

“Ako kasi, I like entering a village na pare-parehas, I don’t know why.

“Puwede naman akong mag-build ng sarili ko, pero I like it na pare-parehas.”

May dalawang taon na nang bilhin ni Lovi ang town house, pina-interior niya raw muna at talagang inisip din niyang lumipat dahil nga sa traffic.

“Nahihirapan na rin ako na every year, it gets traffic and traffic.

“’Tapos, gigising ako nang maaga, instead na makatulog pa 'ko ng mas late, dahil sa traffic, kulang.

“E, ako, I hate being late kasi.”

Sa bagong town house na nga raw siya magpa-Pasko.

“Actually, kaya na nga raw lipatan ng mid-October, but then, hindi ko pa maayos.

“I’m taping a lot, before Christmas na talaga, I have to de-clutter pa.

“So, soon, magga-garage sale ako.”

Ang sigurado raw na dadalhin niya sa bagong bahay ay ang apat na aso niya at isang pusa.

Natawa lang si Lovi, pero ayaw na nitong i-reveal kung ilan na ang bahay niya, bukod pa sa business at mga investments niya.

Ang kaibigan niya na si Heart Evangelista ay may bagong bahay rin na pinapagawa, naiimpluwensiyahan ba siya nito?

Saad ni Lovi, “Hindi naman pero, siyempre, we talk about these things and nagtutulungan kami, nagbibigay ng advice, ganyan.

“Like si Chiz [the senator, Heart’s husband], he told me, ‘Don’t put your eggs in one basket.’

“That’s the reason din I spread it out.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN