Andi Eigenmann breaks silence on paternity issue of her daughter

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2016
Andi Eigenmann has issued an official statement to address latest controversy involving her four-year-old daughter. The actress said, "I made a conscious choice to not talk about the paternity of my daughter in order to protect the privacy of Ellie."

Isang linggo mula nang pumutok ang isyu tungkol sa katauhan ng biological father ng kanyang anak, binasag na ni Andi Eigenmann ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng official statement na inilabas ng Viva Artists Agency (VAA), ang talent management agency na namamahala sa career ng kontrobersiyal na aktres.

Matatandaang sa podcast ng Good Times With Mo Twister noong September 22, Huwebes, kaswal na binanggit ni Max Eigenmann, kapatid ni Andi, na si Jake Ejercito raw ang biological father ng anak ng The Greatest Love actress.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Sa kanyang official statement, nakiusap si Andi na igalang ang privacy ng kanyang four-year-old daughter na si Ellie.

Walang binanggit na pangalan si Andi, pero tiniyak niya sa kanyang statement na kilala ni Ellie ang tunay na ama nito.

Narito ang opisyal na pahayag ni Andi na ipinadala ng VAA sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, September 30:

Continue reading below ↓

“Recent events have put my daughter, Ellie, into the limelight with the media, netizens, and strangers questioning who her father is.

“I made a conscious choice to not talk about the paternity of my daughter in order to protect the privacy of Ellie.

“Although she was born into a showbiz family, as a mother, I would like to shield her from the intrigues and gossip that are part of this industry.

“Growing up, Ellie knew who her father was and he has been there for her, and that’s all that matters.

“I hope this will put the issue to rest, out of concern for my very young daughter.

“I’m requesting everyone to respect the privacy of Ellie.”

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naririnig mula sa kampo ni Jake Ejercito.

Samantala, nagsalita na rin ang kampo ni Albie Casino, na itinuro ni Andi na siya raw ama ng kanyang ipinagbubuntis noong 2011, tungkol sa naging rebelasyon ni Max.

Continue reading below ↓

Read: Albie Casino's mom on public apology from Andi Eigenmann: 'Okay na, kasi we're vindicated.'

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann has issued an official statement to address latest controversy involving her four-year-old daughter. The actress said, "I made a conscious choice to not talk about the paternity of my daughter in order to protect the privacy of Ellie."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results