Sharon Cuneta bonds with daughter KC and Aly Borromeo

IMAGE Instagram (@itskcconcepcion)

Megastar Sharon Cuneta bonds with daughter KC Concepcion and Aly Borromeo.


Nagkaroon ng bonding moment si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang anak na si KC Concepcion at sa boyfriend ng dalaga, ang football player na si Aly Borromeo, base sa isang Instagram post ni KC.

Ngayong umaga ng Sabado, October 1, isang larawan ang ipinost ni KC sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang napapabalitang boyfriend, ang team captain ng Azkals football team at si Megastar.

Wala namang detalyeng ibinigay si KC sa caption ng nasabing post.

Samantala, sa recent tweets naman ni Sharon, ibinahagi ni Sharon na nagkaroon nga siya ng bonding moment kasama sina KC at Aly.

Bahagi ng tweet ni Sharon, “I loooooooooved spending time with you and ze bebe boy this whole evening.”

Hiling pa ni Sharon kay KC sa tweet na i-tag siya sa social media.

Samantala, sa guest appearance ni Sharon sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Sharon na kinausap na niya ang anak at nagbigay ng time frame para magkaapo siya kay KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN