Filipina singer wins Vietnam Idol Season Seven

IMAGE Photo grabbed from You Tube

A Filipina expat in Vietnam, Janice A. Buco wins in Vietnam Idol Season Seven. She is the first expat to win in the singing competition in the said Asian country.


Isang Pilipina ang nanalo sa seventh edition ng Vietnam Idol nitong Biyernes, September 30, at kauna-unahang foreigner na nanalo sa nasabing sikat na singing competition sa Vietnam.

Nakilala sa singing competition bilang Janice Phuong, ang tunay na pangalan ng 28-anyos singing champion ay Janice A. Buco at nagtrabaho sa Vietnam bilang singer.

Kinanta ni Janice ang "Hello Vietnam" sa grand finals na nasa Vietnamese at English language.

Pitong taon nang namamalagi sa Vietnam si Janice at nagtatrabaho bilang singer sa mga bar.

Nakapangasawa rin si Janice ng isang Vietnamese at sumali sa Vietnam Idol nang magbukas ito para sa mga expat applicants sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon sa isang article, nagtrabaho si Janice sa Vietnam upang makatulong sa pamilyang nasa Pilipinas dahil sa kahirapan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN