Sunshine Cruz reacts to Krista Miller's arrest: "Hindi po ako natatawa o matutuwa sa misfortune ng iba."

IMAGE @sunshinecruz718 / @iamkristamiller_ on Instagram

Hindi raw natutuwa o natatawa si Sunshine Cruz sa misfortune ng iba. Ito ay matapos ipaabot sa kanya sa Instagram ang pagkaaresto kay Krista Miller, ang itinuturong mistress noon ng estranged husband na si Cesar Montano.


Katulad ng inaasahan, dinumog ng maraming bashers ang Instagram account ng starlet na si Krista Miller matapos siyang maaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang buy-bust operation noong September 30.

Read: Starlet Krista Miller arrested in buy-bust operation in Quezon City

Masasakit na komento ang ibinabato ng naturang haters kay Krista, na pinaniniwalaang sanhi ng hiwalayan nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Maaaring mga tagahanga ni Sunshine ang mga nagkomento sa account ni Krista dahil puro ito pagkondena sa tinatawag nilang ‘kabit’ ni Cesar.

Read: Are Sunshine Cruz and Cesar Montano having marital problems?

“I’M IN A BETTER PLACE NOW.” Sa Instagram account naman ni Sunshine ay may mga nagkomento tungkol sa pagkaaresto ni Krista.

Sabi pa ng ilan, karma raw ito sa ginawa niyang pagsira sa pamilya ng Kapamilya actress.

Pero sabi ni Sunshine tungkol dito, “Hindi po ako natatawa o matutuwa sa misfortune ng iba.”


Humingi naman ng dispensa ang isa niyang follower dahil sa kanyang naging komento.

Tugon ni Sunshine, “It’s ok and understandable naman kaya lang I heard may anak na sya.

“Syempre kawawa dyan yung anak nya saka mag 4 years na akong hiwalay. I'm in a better place now. Good afternoon.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN