Solenn Heussaff firm in postponing motherhood longer than three years

IMAGE Noel Orsal

Solenn Heussaff says her husband Nico Bolzico wants a baby in three years, but she is not ready. Is he okay with that? "He has no choice dahil ako ang magbubuhat ng baby!" she quips. "Not naman in five years, before that but not too soon."


Kailan lang ikinasal si Solenn Heussaff sa Argentinian na si Nico Blozico, at ayaw pa raw niyang magkaroon agad ng anak.

Sabi ng Kapuso actress, “Not right now, I don’t want to try right now.

“In the near future, kasi siyempre naman my clock is ticking din.

“Just to be safe… not naman in five years, before that but not too soon.”

Okey lang ba ito sa mister niya?

“Well, he has no choice dahil ako ang magbubuhat ng baby!” natawang sagot ng Encantadia actress.

“It’s my decision, but he’s okay when ready.

“Siya, ready na in three years, ako hindi pa.”

Wala raw restriksiyon o limitasyon ngayon si Solenn dahil nag-asawa na siya.

Sabi nga niya, “Bawal, bawal sa akin yun. If not, I will not get married.

“Siyempre, you have to stay who you are.

“If you’ll gonna get married and you have to change, e, di huwag na, sa iba na lang.”

Pagdating naman daw sa career ni Solenn, hindi raw alam ni Nico ang lahat ng ginagawa niya.

“We’re not the type to meddle on each other’s works.

“Siyempre naman, kapag may problem ako sa work or may issue, I’ll talk to him about it.

“Pero usually, he doesn’t meddle.”

Kung ano raw ang nakikita sa kanya sa labas, ganun lang din naman daw siya sa bahay.

“What you see is what you get.

“I’m super chill, super relaxed, soft-spoken.

“If I have no work and at home, I’m just cooking, watching TV or exercising, not so exciting!” natawa pa niyang sabi.

At dahil ang kanyang mister ay isang Argentinian, may Argentinian dishes din ba siyang inihahain kay Nico?

“No, actually, in Argentina, they don’t have a dish, they’re more on steak. Yung grill nila, kakaiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we usually do it in my parent’s house, every Sunday nandoon kami.

“Nagba-barbecue and we have Argentinian grill; simple, simple dish.”

NEW ALBUM, NEW BLOG. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa launching ng ikatlong album niya, ang Solenn, noong September 26.

Napag-usapan din dito ang pakikipag-interact niya sa kanyang online followers.

Isa si Solenn sa pinakaaktibong celebrity sa social media.

Mayroon na siyang 2.6 million followers sa Instagram at 3.3 million sa Twitter.

Nasa 500,000 lang ang Facebook followers niya dahil ngayon lang daw siya nagsisimulang maging aktibo rito.

Bahagi ni Solenn, “I interact all the time… every day, I spend a few hours or a few minutes on Twitter.

“Kapag nasa kotse ako, sobrang traffic ngayon, di ba, parang Christmas all-year round, I reply on Twitter all the time.

“I try to do Facebook live with my fans, I reply to messages on Instagram.

“And I bash, sometimes!”

May sariling blog na rin daw siya, “Blogger na ako, uy!”

Sa huli, sinagot din ni Solenn ang lumabas na aksidenteng nip slip daw niya sa isang Snapchat upload niya.

May ilang nakakita agad nito, yung iba, nai-save na rin.

Na-offend ba siya?

“Hindi, French ako, I’ve done topless in France!” natawang sabi niya.

“Hindi na uso ang bra dun. Actually sa Europe, hindi uso.”

Pero tinanggal din niya ang naturang post.

“Siyempre naman, alam mo naman ang mga tao. I just removed it,” sabi niya.

Natawa na nga lang si Solenn na may ibang nag-comment na alam naman daw niya yun, pero pinost pa rin.

“Hello naman, kung sinasadya ko, I’ll just leave it there.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN