Gab Valenciano posts touching message for friend Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

IMAGE @gabvalenciano on Instagram

Hanggang ngayon ay ipinagmamalaki pa rin ni Gab Valenciano ang pagiging mapagpakumbaba ng kaibigang si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Umuwi si Pia sa Pilipinas ng halos isang linggo para sa selebrasyon ng kanyang ika-27 kaarawan.


Sa halos isang linggong pananatili ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Pilipinas ay nakasalamuha niya ang kanyang mga malalapit na kaibigan.

Ang ilan nga sa kanila ay nag-alay pa ng surprise birthday celebration para sa kanyang ika-27 kaarawan noong September 24.

Sa kanyang panig, puro papuring mga salita naman ang ibinahagi ni Gab Valenciano tungkol sa kaibigang si Pia.

Halos sampung taon na raw silang magkakilala at hanggang ngayon ay nananatili pa din daw nakatapak ang mga paa nito sa lupa.

Sabi ni Gab sa kanyang Instagram post ngayong araw, October 4:

“There are people who reach the highest of highs and forget about the simple things in life.

“Not this girl. I am proud to know her and see her progress in life. While keeping both feet planted.

“Halos 10 years na kaming magkakilala and til today, she's still the Pia I remember.

“Truly deserving of every good thing. Be blessed P! Stay grounded and beautiful!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN