Charice wants to reach out to Pinoy audience; decides not to push international career

IMAGE Noel Orsal

Charice says Pinoy audience are hard to please: "Kasi, lahat tayo rito kumakanta, so ang hirap i-impress."


Ipinagdiriwang ni Charice ang kanyang ika-10 annibersaryo sa music industry ngayong taon.

At bilang selebrasyon, nais mag-focus ng 24-year-old singer sa kanyang career dito sa Pilipinas.

“International career, you know, it's gonna happen. I don't want to push myself,” sabi ni Charice nang matanong tungkol sa kanyang music career sa ibang bansa.

Dagdag pa niya, “I don't like pushing myself to do something na hindi ko naman ano.

“Halimbawa, may certain thing na ayaw naman, hindi ko ipu-push ang sarili ko.

“There are offers, some are singing and some are not.

“But I'm enjoying what I'm doing right now.

“ Actually, I'm gonna say this to you guys, right now, mas importante sa akin yung masa rito.”

Matatandaang matapos ang kanyang Little Big Star stint, naging matunog ang pangalan ni Charice sa international scene dahil sa paglabas niya sa ilang TV programs tulad ng Star King, isaang talent show sa South Korea; ang Ellen ni Ellen DeGeneres; at The Oprah Winfrey Show ni Oprah Winfrey, na naging ninang pa niya.

Kaugnay nito, naging mentor ni Charice ang kilalang musician at record producer na si David Foster, na nagbigay rin sa kanya ng maraming oportunidad na makapag-perform sa ibang bansa.

Sa kabila ng mga nagawa niya abroad, iba pa rin daw ang mag-perform sa harap ng Pinoy audience, na inilarawan niya bilang “pinakamahirap na audience.”

Paliwanag ni Charice, “Kasi, lahat tayo rito kumakanta, so ang hirap i-impress.

Ang hirap iano na, 'Sige na, pakinggan niyo yung album ko.'”

Dagdag pa niya, “For how many years, nandiyan talaga yung mga Pilipino na sinuportahan ako.

Pero nandun yung kaba ko lagi kapag nagpe-perform dito.

Parang lahat kasi tayo music lovers talaga.

“Ito yung pinaka-[goal] ko, mas [maabot] ko pa yung masa.”

REACHING OUT. Bukod sa pagiging pinakamahirap ma-impress na audience, marami rin daw Pinoy na tila ilag sa kanya, na napapansin niya tuwing may shows siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman mahirap na they don't like me or anything.

“I guess kasi parang the past few years, since I started, parang yung suporta nandoon.

“Pero napansin ko lang, when I do out-of-town shows, parang they're like scared. Parang unreachable, e, ayaw ko nun.

Like, when I had a show in Compostela, when it rained and they were all wet, I went out and nagpaulan din ako.

Ganun yung gusto ko, kung ano ang [experience] nila, ganun din ako. I want them to realize that.”

Kaya naman umaasa raw si Charice na sa bagong album niya, ang Catharsis, magawa niyang mas maging malapit pa sa kanyang Pinoy fans.

Aniya, “I did this album for them and to connect with them. Excited ako.

Minsan nga nag-i-imagine ako na kasama ko yug iba kong friends na tumutugtog din, we'll go out of town and sing with them.”

Sa huli, pabiro pang paalala niya sa kanyang fans, “Masungit ako minsan pero hindi naman ako nangangagat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN