Sharon Cuneta airs frustration with politics; relates how it affected her friendship with some people

IMAGE Allan Sancon

Sharon Cuneta: "Minsan, sa totoo lang, kahit mahal na mahal na mahal ko ang asawa at mga anak ko, gusto ko umalis at magtago nang matagal na matagal. Yung walang may kilala sa akin. Pero sa isang lugar na mahal ko. Madami namang lugar yun so okay lang. Pero di puede eh. Mamimiss ko pa kayo! Sana lang kahit sana one month bago ako mamatay, IBIGAY NAMAN NG PANGINOON ANG IISANG DINASAL KO NA DI NAIBIGAY SA AKIN."


Naglabas ng kanyang saloobin ang Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa estado ng pulitika ngayon sa bansa at kung paano naapektuhan ang buhay niya nito.

Base sa kanyang mahabang Facebook post ngayong gabi, October 4, sinabi ni Sharon na nalulungkot siya sa nangyayari sa bansa lalo na’t ang kanyang mister na si Francis ‘Kiko’ Pangilinan ay nahalal muli bilang senador.

Sinabi ng singer-actress na dahil lumaki siya sa mundo ng pulitika, bilang ang kanyang yumaong ama na si Pablo Cuneta ay matagal na nanungkulan bilang mayor ng Pasay City, isinumpa raw niyang hindi siya mag-aasawa ng isang pulitiko.

Ngunit pulitiko rin pala ang itinadhana ng kapalaran para sa kanya.

Dagdag pa niya, “Artista at mang-aawit at TV show host lang po ako.

“Napakarami naming hindi pinagkasunduan ni Kiko sa paniniwala sa politika mula pa nung umpisa. Kahit kami ng Daddy ko noon ganon din.

“Pero dahil may respeto kami sa isa't isa, hindi na namin kailangan pang isapubliko ang mga diskusyon naming mag-asawa noon o ngayon.”

FRIENDSHIP AND POLITICS. Ipinahayag din ni Sharon ang paniniwala niyang higit sa pulitika ay mas matimbang ang pakikipagkaibigan na nabuo na niya sa ilan.

Ngunit sa panahon ng eleksiyon ay kinailangan niyang isantabi ang pakikipagkaibigan dahil sa opinyon ng kanyang asawa at kinaaaniban nitong partido.

Saad ni Sharon, “Noong panahon ng laban ni FPJ at GMA, obvious ba best friend ko si FPJ at ang puso at paniniwala ko ay buong-buong nasa kanya.

“Pero hindi naman din maganda na iwanan ko ang asawa ko at sa publiko bastusin ang kanyang paniniwala kay GMA.

“PERO HINDI AKO NAGSALITA O NANGAMPANYA.

“Buti na rin lang nakapag-usap kami ni FPJ nang maayos at since malawak ang kanyang pag-iisip, madali kaming nagkaintindihan.

“Siya pa nga ang nagsabing huwag ko nga iisipin yon at pag tapos na lahat ng politikang ito, kami pa rin ang magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabagay, di naman kami puede maging best friends kung di siya matalino.”

Patuloy niya, “Nitong huling eleksyon, napansin niyo ba wala akong kinampanya para pangulo?

“Dahil kay Sen. Grace Poe. Mahal ko siya. Mahal ko si Tita Susan. Pamilya ko sila.

“At kahit kaibigan ko si Sec. Mar at Korina, hindi ko maikukumpara ang history namin ng mga Poe sa kanila.

“Si Inday (Mayor) Sara Duterte, kaibigan ko siya since 2012. Naging magkaibigan kami ng WALANG KAALAM-ALAM ANG POLITIKA. At hanggang matapos ang lahat ng ito, alam ko magiging magkaibigan pa rin kami.

“Si VP Leni Robredo, kaibigan ko. Kaibigan na ng pamilya namin si Sec. Jesse bago siya pumanaw. Si VP Leni ay pinangakuan kong suportahan noon pang tatakbo pa lang siyang congresswoman hanggang VP. At ginawa ko.

“Si Bong-Bong [Marcos] at ako, mula kabataan, magkaibigan na. Di ko naman alam na tatakbo din siyang VP.

“Pero gaya ng sinabi ko, malalawak ang isip ng mga kaibigan ko. Naiintindihan nila ang mga nauna mo nang binigay na salita, etc. Ganon din kasi naman siguro sila.

“Di pa kami nagkikita ni Bong-Bong pero jusko, sa dami ng dinaanan namin noon pa, di naman kami kahit kailan nagkagalit. Mahal ko yun eh.”

Ayon pa kay Sharon, “Pasensiya na po pero pangit talaga yung kaibigang nang-iiwan ng walang sapat o acceptable na dahilan.

“I have been hurt and betrayed so many times that I find it very difficult to trust anyone nowadays.

“Also, napagod na ako na nawawalan o nababawasan o pinagdududahan ng kaibigan.

“Tulad mula pa noon, ang buong Estrada family panahon pa ng Daddy ko na Mayor na kasabay ni Tito Erap at magkaibigan sila, nasangkot na din ako nung naging Senador ang asawa ko.

“Buti na lang din, matalino si Jinggoy at si Tito Erap. HANGGANG NGAYON kami pa rin ni Jinggoy ang magkatext at magkausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thirteen pa lang ako kaibigan ko na si Jinggoy. Mayat-maya nagtetextan at tawagan pa kami.

“Dadalawin ko pa nga siya. Si Tito Erap hanggang ngayon ninong ni KC at mahal kami.”

SHARON'S PLEA. Alam din daw ni Sharon na hindi lahat ay pabor sa paniniwala at pinaglalaban ng kanyang asawa, pero maniwala man daw o hindi ang mga tao, isa itong mabuting tao.

Dagdag niya, “PINAGMAMALAKI KO ANG PRINSIPYO NIYA. Tama o mali, asawa ko siya. At di po ba, mas mali naman yung awayin ko siya sa publiko?”

Si Kiko ay tumakbo noong nakaraang eleksiyon sa partido ng Liberal Party ni Mar Roxas.

Asam pa ni Sharon, “SANA MAGKAISA AT MAGKAAYOS-AYOS NA ANG LAHAT NG NAGSISILBI SA BANSA NATIN. WALA NAMANG IBANG PARAAN.

“DI LANG MGA POLITIKO ANG NAG-AAWAY, KUNDI TAYO-TAYO NA RING MGA MAGKAKAPATID NA PILIPINO. ANO BA NAMAN YON?

“Nakakahiya naman kina Gat Jose Rizal at sa iba pa nating bayani. Binigay ang sariling buhay tapos gugulo lang pala ang pinaglaban nila.

“Huwag na rin tayong magmalinis. WALA NAMANG PERPERKTONG LIDER OR TAO. Bigayan na lang po sana tayo.”

Inamin din ni Sharon na hindi niya gusto ang pagpasok ni Kiko sa pulitika.

Paliwanag niya, “Kasi gusto ko buhay na tahimik pag nag-retire na ako. Gusto ko magpaligaya lang ng tao.

“Ayoko na nawawalan o pinagdududahan ng kaibigan kasi sobra akong loyal at totoong kaibigan, lalo kung dahil lang sa pagiging tiga-politika ng asawa ko.

“At yun ang calling niya eh. Gusto niya magsilbi nang TAPAT.

“Lahat po ng meron kami pinaghirapan namin. Pinagtrabahuhan.

“Lahat ng pork barrel niyang natanggap ng lahat ng politiko nung araw pa napunta sa tama. Ang joke nga namin dito, kung yung iba may unexplained wealth, si Kiko naman unexplained POVERTY!”

Sabi pa ni Sharon, “Ako siguro naman di na kaila sa inyong pinanganak nang maganda ang buhay at mas nakaipon pa ako ng malaki sa Tatay ko. Kaya okay lang po kami di namin kailangan magnakaw!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“ILANG BESES NA RIN NA SARILI KONG KALIGAYAHAN ANG SINAKRIPISYO KO PARA SA MGA MAHAL KO SA BUHAY, MULA PA NOONG MALIIT PA SI KC. Lagi silang una. Ako, di bale nang huli.

“Minsan, sa totoo lang, kahit mahal na mahal na mahal ko ang asawa at mga anak ko, gusto ko umalis at magtago nang matagal na matagal. Yung walang may kilala sa akin.

“Pero sa isang lugar na mahal ko. Madami namang lugar yun so okay lang. Pero di puede eh. Mamimiss ko pa kayo!

“Sana lang kahit sana one month bago ako mamatay, IBIGAY NAMAN NG PANGINOON ANG IISANG DINASAL KO NA DI NAIBIGAY SA AKIN.

“ALAM NAMAN NIYA NA INUNA KO ANG AKALA KONG MAKAKABUTI SA MGA MAHAL KO SA BUHAY KESA SA IKALILIGAYA KO. GUSTO KO MAMATAY NA KUMPLETO ANG PUSO KO, DI GUTAY-GUTAY, DI KULANG.

“Anuman yon, akin na lang po yon.”

Sinabi rin ni Sharon na maaaring kilala siyang bungisngis, pero kaya rin daw mababaw ang luha niya ay dahil marami siyang dala-dala na wala naman daw makakapag-ayos.

Narito ang kabuuang mensahe ni Sharon:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN