Krista Miller's camp claims she is not a drug pusher

IMAGE Courtesy: QCPD

Hindi raw nagtutulak ng droga si Krista Miller ayon sa kanyang ama at abugado. Pero ayon sa pulisya, matibay ang ebidensiya nila laban sa starlet.


Pinanindigan ng kampo ng starlet na si Krista Miller na hindi ito tulak o drug pusher.

Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa State of the Nation ng GMA News TV kagabi, October 4, sinabi raw ni Krista na hindi muna siya magpapaunlak ng anumang media interview.

Kasalukuyang nakapiit si Krista sa District Operation Special Unit ng Quezon City Police District (QCPD) matapos itong mahuli sa akto na nagbebenta ng shabu noong Biyernes, September 30.


Read: Krista Miller tagged as drug supplier by arrested models

Nakuhanan pa ng video ng GMA News ang ama ni Krista na dumalaw sa kanya at nakiusap ito sa publiko na huwag kaagad husgahan ang anak.

Mariin din nitong itinanggi na pusher ang kanyang anak.

Tumanggi rin itong humarap sa kamera.

Giit naman ng abugado ni Krista, inosente ang kanyang kliyente.

Sabi ni Atty. Ramon Vargas, “She’s innocent, definitely yes.

“Based from my interview, I can say at that time, ha, at that time… she was not after selling drugs. I don’t think so.”

Pero nanindigan ang QCPD na malakas ang ebidensiya nila laban kay Miller.

Ayon kay QCPD director Senior Supt. Guillermo Eleazar, “Nasa list natin siya, may information tayo sa kanyang activities.”

Si Krista ang isa sa apat na celebrities na naaresto na kaugnay ng illegal drugs; ang iba pa ay ang DJ na si Karen Bordador, ang dating sexy star na si Sabrina M., at ang pinakahuli ay ang dating matinee idol na si Mark Anthony Fernandez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN