Gen. Bato dela Rosa reacts to photo of lady cops with Mark Anthony Fernandez

IMAGE Facebook of Nathan Hachero Azarcon

Isasangguni raw ni PNP Chief Director General Ronald 'Bato' dela Rosa sa Internal Affairs Service (IAS) ng kanyang opisina kung may nalabag na batas ang dalawa niyang tauhang nagpa-picture kay Mark Anthony Fernandez.


Viral ngayon sa social media ang litrato ng dalawang babaeng pulis ng Angeles City Police Office kasama ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos itong mahuli ng kanilang hanay dahil sa marijuana.

Ayon kay Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, hindi niya nagustuhan ang naturang litrato.

Pahayag ni Dela Rosa sa ulat ng inquirer.net ngayong araw, October 5, “Personally ako, I don’t like that picture because as law enforcers, na-starstruck ka pa rin sa isang criminal offender, meaning, di ba hinuli siya?

“He’s a suspect and ngayon magpa-picture ka pa dun?”

Pero dagdag niya, “On the other hand, naintindihan ko naman yung aking mga policewomen dahil nakalimutan siguro nila na sila’y police.

“Parang na-overwhelm lang sila, nakalimutan lang nila na sila’y police.

“Nangingibabaw siguro sa kanila ang kanilang pagka-movie fan siguro.

“Or pagkadalaga or pagkababae, na nakita nila yung aktor na magandang lalaki, na nagpapa-selfie sila.

“I both hate that picture, at the same time, I understand.”

DOUBLE STANDARD? Ang inaalala lang daw ng PNP chief ay baka sabihin ng mga tao na may double standard ang pulisya kapag ordinaryong tao at isang celebrity ang nahuhuli.

“Baka sabihin nila that there is a double standard sa policing at law enforcement na ginagawa natin.

“Sa ordinaryong drug user or pusher, e, saksak agad doon sa selda. E, pag itong artista, e, nagpapa-selfie pa yung mga pulis.”

Isasangguni raw niya ito sa Internal Affairs Service (IAS) ng PNP kung may nalabag na batas ang dalawang policewomen.

Ayon naman kay Central Luzon police director Chief Supt. Aaron Aquino, mukhang wala namang nalabag na batas ang kanyang mga tauhan.

Sabi pa nito, “But pagsasabihan ko sila na hindi proper magpa-picture sa isang suspect.

“Nagkataon lang naman kasi na celebrity yung suspect. Hindi naman nila yun sinasadya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN