Boy Abunda not worried about Kris Aquino's career decisions

IMAGE Noel Orsal

Boy Abunda on Kris Aquino's silence about rumored network transfer: "She's maybe very careful, very cautious, but she'll be okay."


Nananatiling tikom ang bibig ni Boy Abunda sa naging desisyon ni Kris Aquino na magpalit ng talent manager.

“Hindi ako nagsasalita dahil hindi pa nga nagsasalita si Kris, hindi pa nagsasalita si Tony.

“Hindi nagsasalita yung ibang taong relevant to this particular issue, bakit naman ako mangunguna?

“But she’s okay,” pahayag ng kilalang TV host nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng bagong brand ng food business niyang Goodah! sa Timog Avenue, Quezon City, kamakailan.

Ang tinutukoy ni Boy na Tony ay ang Television And Production Exponents Philippines, Inc. (TAPE Inc.) CEO at APT Entertainment executive na si Antonio Tuviera.

Naibalita noon ng PEP na pumirma na si Kris ng management contract sa Triple A, na pagmamay-ari rin ni Tony Tuviera.

Dahil dito, bulung-bulungan pa rin ang diumano'y paglipat ni Kris sa GMA Network mula sa ABS-CBN, na naging home network niya sa loob ng 20 taon.

Read: Is Kris Aquino returning to GMA Network?

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin si Kris tungkol dito.

Read: Kris Aquino appeals for respect amid rumored network transfer

Ngunit paniniguro ni Boy tungkol kay Kris, “She’s okay, I haven’t spoken to her a couple of days but we are in touch. She’s Kris, she’s okay.”

Tiwala rin daw si Boy sa anumang magiging desisyon ni Kris, na nakasama niya bilang co-host sa The Buzz at Tonight With Boy and Kris at nananatili pa ring business manager ng Queen of All Media pagdating sa endorsements.

Aniya, “May mga bagay kasi na klarong gustong gawin ni Kris.

“Parati kong sinasabi she knows what she wants.

“She’s not making an easy decision, di yung boom, ganun.

“Si Kris, napaka-cerebral ng proseso, nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin. She knows what she wants.”

Dagdag pa niya, “She’s maybe very careful, very cautious, but she’ll be okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN