Charice still gets affected by bashers: "I guess ang pinaka-frustrating part doon is hindi mo sila mapuntahan."

IMAGE Noel Orsal

Charice on negative comments on social media: "Minsan hindi pinapansin pero yes, it still affects me."


Aminado si Charice na hanggang ngayon ay may mangilan-ngilan pa rin siyang nakikitang hate comments sa kanyang social media accounts.

Tulad ng karamihang celebrities, sabi ni Charice, “Minsan sumasagot ako, minsan hindi, depende sa mood ko.”

Hindi naman daw maiwasan minsan na maapektuhan pa rin siya sa mga sinasabi ng bashers.

“Who wouldn't get affected, di ba?

“If someone tells you something na alam mo naman sa sarili mong hindi totoo, you'll get affected,” sabi ng 24-year-old singer.

Dagdag pa niya, “I guess ang pinaka-frustrating part doon is hindi mo sila mapuntahan.

“'Nasaan ka ba, puntahan kita, kuwento ko buhay ko sa 'yo.' Di ba, hindi mo puwedeng gawin yun, e?

“Yun lang ang frustrating part sa ganun kaya ka naiinis, kaya minsan nakakapag-comment ka.”

Madalas daw, kapag ganito ang nararamdaman ni Charice, “Iniisip ko, hindi naman nila ako talaga kilala, e.

“I mean, papahirapan ko lang ang sarili ko na mag-explain nang pagkahaba-haba, hindi kumasya sa Instagram comment.”

Pabirong hirit pa niya, “Sabi nga nila, keber!”

Sa halip na magalit, idinaan na lamang ni Charice ang kanyang pahayag tungkol sa bashers sa bago niyang album na Catharsis.

SONG FOR BASHERS. Dine-dedicate ni Charice sa kanyang haters ang “I Am Always Watching You.”

Ito ang nagsilbing intro niya para sa “Killing Myself to Sleep,” isa sa mga kanta sa kanyang 10-track album.

“It's for fun, actually. Everybody does something really weird these days.

“Sabi ko, 'Ano pa ba ang isusulat ko? Ay, sige sulat tayo [about bashers] para maiba naman,'” sabi ni Charice nang matanong tungkol dito.

Dagdag niya, “It was so much fun.

“I actually just recorded it from my tiny recorder ko, kung saan ko nire-record yung ibang thoughts ko and ibang songs ko.

“I just put it on my Logic Pro and in-edit ko lang siya with ibang effects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was just for fun. There's no particular person or particular people na...

“Pero it's for everybody who's trying to put me down.”

Pakinggan dito ang naturang track sa Catharsis album:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN