Is there a brewing romance between Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach and racer Marlon Stockinger?

IMAGE @marlonstockinger on Instagram

Reigning Miss Universe Pia Wurtzbach on her love life: "I don't think, no, no boyfriend yet. I don't think so." This is despite being linked to F1 racer Marlon Stockinger.


“I don't think, no, no boyfriend yet. I don't think so.”

Ito ang naging paglilinaw ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nito lamang Huwebes, Oktubre 6, sa anniversary celebration ng kanyang product endorsement.

Ayon kay Pia, wala siyang boyfriend ngayon, sa kabila ng pagkakaugnay niya sa Fil-Swiss F1 racing driver na si Marlon Stockinger.

Spotted din sa naturang event si Marlon.

At kagabi, Oktubre 7, nag-post ito ng sweet photo kasama ang beauty queen.

Kalakip ng naturang larawan ay ang caption na “NY-Manila with this one.”

NY-Manila with this one ???? @piawurtzbach

A photo posted by Marlon Stockinger (@marlonstockinger) on

Two weeks ago ay naging viral ang litrato ng dalawa matapos itong i-post ni Pia sa kanyang sariling Instagram account.

Marloner ???? @marlonstockinger

A photo posted by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Sa ulat naman ni MJ Felipe para sa ABS-CBN News, itinanggi rin ni Marlon na may relasyon sila ni Pia.

“It's kinda hard to date,” sabi niya, lalo pa't magkakalayo sila dahil pabalik na si Pia sa New York at siya nama'y nandito sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Marlon, “We just made time to see each other.”

Matagal na raw silang magkakilala ni Pia.

Nang tanungin kung paano niya ilalarawan si Pia, sabi ng F1 racer, “Pia's fantastic.

“She's friendly, she's very beautiful, and I can't say anything more than that.

“I think her beauty speaks for itself and she's just a really nice person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN