Did Jake Vargas date Inah de Belen?

IMAGE Noel Orsal

Jake Vargas clarifies co-star Gladys Reyes's allegation that he went out on a date with Inah de Belen: "Hindi kami nag-date. Nag-ano kami, nag-bonding ng lahat ng crew tsaka make-up artist ng Oh, My Mama!"


Nilinaw ni Jake Vargas ang 'pambubuking' ni Gladys Reyes, co-star niya sa Oh, My Mama!, na nag-date sila ni Inah de Belen.

Sabi ni Jake nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito, “Hindi kami nag-date.

“Nag-ano kami, nag-bonding ng lahat ng crew tsaka make-up artist ng Oh, My Mama!

Hindi naman agad nakakibo si Jake nang sabihin ni Gladys na kung grupo ng Oh, My Mama ang lumabas ay bakit hindi siya kasama sa bonding na iyon.

Rason ni Jake, “Hindi, biglaan kasi.

“Biglaan din po kasi yung nangyari na yun.”

Sa The Fort daw sila gumimik ng grupo.

Sinundo ba niya si Inah sa bahay ng dalaga?

“Hindi, nagkikita-kita kami dun sa isang lugar. Marami kami.”

Si Jeric Gonzales na isa pang leading man ni Ina sa GMA drama series ay hindi kasama sa naturang lakad.

Paliwanag ni Jake, “Hindi siya puwede nun, e.”

Niyaya naman daw nila si Jeric.

Paglinaw niya, “Si Inah ang nag-organize nun. Masaya lang.”

CONCERT DATE. Napag-alaman din ng PEP na sa nakaraang Oh Boy! concert ay si Inah ang inimbitahan ni Jake na manood.

“Oo, sabi ko manood siya.

“Biglaan lang din!” at tumawa si Jake.

Bakit si Inah ang naisipan niyang imbitahang manood?

Natatawa niyang sagot, “Para mai-promote din ang Oh, My Mama!”

Sa tanong naman kung nililigawan na niya si Inah, sagot ni Jake, “Hindi po.”

Anong mga katangian ang gusto ni Jake kay Inah?

Ano na ang mga nadidiskubre niya kay Inah sa halos isang buwan na nilang pagte-taping?

Aniya, “Mabait po siya, mabait, tsaka mapagmahal sa pamilya.”

Binanggit namin kay Jake na habang tinatanong namin siya tungkol sa paglabas nila nina Inah ay namumula siya.

“Namula ba? Parang wala naman!” at tumawa ng Kapuso actor.

Unang beses daw nilang gumimik.

Kumain lang daw sila, hindi raw sila uminom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba umiinom si Jake?

“Hindi po. Minsan lang, minsanan, pag may okasyon,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN