Neri Naig engages in intellectual spat with follower on IG: "Kanya-kanyang trip kasi 'yan."

IMAGE @mrsnerimiranda on Instagram

Ipinagtanggol ni Neri Naig ang sarili laban sa nagkomento sa kanyang post sa Instagram na siya daw ay 'pa-humble.' Sabi ng asawa ni Chito Miranda, "Hindi naman ako nabubuhay para sa opinion ng iba, e."


Aktibo si Neri Naig sa pagpu-post sa Instagram ng kanyang mga ginagawa sa buhay, ng kanyang mga itinitinda, pa-raffle, at tungkol na rin sa kanyang pagbubuntis.

Mahaba siyang mag-post at ikinukuwento talaga niya ang buong detalye sa kanyang mga followers.

Pero sa post niya kahapon, October 8, tungkol sa kanyang maternity shoot, tila hindi nagustuhan ng isang follower ni Neri ang kanyang ‘pa-humble post.’

Sa caption ni Neri, nakasaad ang ganito:

"Nagmaternity shoot kami sa bahay lang namin, hehe!

"Wala akong stylist, yung nagmake up sa akin, friend ko lang, tapos yung damit ko nabili ko lang sa ukay.

"Gusto ko yung mga simpleng kuha lang. Yung pang normal na tao lang, hehe!

"Hindi ko naman kase bagay yung pang glamorosa. Ayaw ko ipilit din ang di ko bagay, hehe!

"Gusto ko din i-share sa inyo na hindi nyo kailangang gumastos ng mahal para sa maternity shoot. Kuha lang kayo ng magaling na photographer at make up artist. Mas maganda kung mga kaibigan nyo para free o kaya makadiscount ka.

"Buti na lang maganda sa @niceprintphoto! Nakikinig sila kung ano ang gusto mo at kung saan ka comfortable. May mga photographers kase kung ano ano pinapagawa sayo kapag kinukuhanan ka na. Mukha ka tuloy tuod sa pictures tapos magbabayad ka pa ng mahal, naku!

"Yung friend ko naman ang nagmake up sa akin, diretsong baby shower na rin kami after ng maternity shoot para isahang ayusan na lang, haha! Thank you @pornstar_roviel sa hair and make up! Fresh lang ang make up. Ayaw ko kase ng oa sa pagka contour at oa sa nose line, haha!

"Nabili ko sa ukay yung dress ng P35 lang dito sa Tagaytay Rotunda. Di na kailangan ng stylist. Mahal kase yun. Saka no need na magrent ng studio o kung saan pang location, kung saan ako comfortable, mas gusto ko dun. Syempre sa bahay ako pinakacomfortable. Di pa ako babyahe ng malayo at mapagod pa ako, hehe!

"Ako pala nag gupit ng bangs ko, haha! Di na ako pumunta sa salon para magpa cut ng bangs, mukhang kaya ko naman eh, haha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagmaternity shoot kami sa bahay lang namin, hehe! Wala akong stylist, yung nagmake up sa akin, friend ko lang, tapos yung damit ko nabili ko lang sa ukay. Gusto ko yung mga simpleng kuha lang. Yung pang normal na tao lang, hehe! Hindi ko naman kase bagay yung pang glamorosa. Ayaw ko ipilit din ang di ko bagay, hehe! Gusto ko din i-share sa inyo na hindi nyo kailangang gumastos ng mahal para sa maternity shoot. Kuha lang kayo ng magaling na photographer at make up artist. Mas maganda kung mga kaibigan nyo para free o kaya makadiscount ka. Buti na lang maganda sa @niceprintphoto! Nakikinig sila kung ano ang gusto mo at kung saan ka comfortable. May mga photographers kase kung ano ano pinapagawa sayo kapag kinukuhanan ka na. Mukha ka tuloy tuod sa pictures tapos magbabayad ka pa ng mahal, naku! Yung friend ko naman ang nagmake up sa akin, diretsong baby shower na rin kami after ng maternity shoot para isahang ayusan na lang, haha! Thank you @pornstar_roviel sa hair and make up! Fresh lang ang make up. Ayaw ko kase ng oa sa pagka contour at oa sa nose line, haha! Nabili ko sa ukay yung dress ng P35 lang dito sa Tagaytay Rotunda. Di na kailangan ng stylist. Mahal kase yun. Saka no need na magrent ng studio o kung saan pang location, kung saan ako comfortable, mas gusto ko dun. Syempre sa bahay ako pinakacomfortable. Di pa ako babyahe ng malayo at mapagod pa ako, hehe! Ako pala nag gupit ng bangs ko, haha! Di na ako pumunta sa salon para magpa cut ng bangs, mukhang kaya ko naman eh, haha! #VeryNeri #WaisNaMisis #WaisKahitDiPaMisis #LittleChitoMiranda

A photo posted by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Sabi ng isang follower ni Neri, hindi daw okay yung mga ipinangalandakan niyang ‘pa-humble’ post, dapat daw ay sarilinin na lang niya.



Ipinagtanggol naman si Neri ng ilan niyang followers.


Sagot ng naunang nagkomento, hindi naman daw siya nagpaka-nega at ibinahagi lang daw niya ang kanyang opinyon tungkol sa madetalyeng mga posts ng asawa ni Chito Miranda.


Sagot ni Neri sa mga pumuna sa kanyang mga posts, kanya-kanya daw kasing trip 'yan at hindi naman kailangang gustuhin ng lahat ang mga ito.


Humingi naman ng dispensa ang naturang commenter pero pinanindigan pa rin niya ang kanyang opinyon.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN