Inah de Belen clarifies alleged date with Jake Vargas: "Bonding yun. May mga kasama kami."

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen clarifies alleged date with Jake Vargas: "Ha? Hindi, actually may mga kasama kaming group of friends talaga. Ako yung organizer."


“Ha?” ang tili ni Inah de Belen nang tanungin namin kung totoong nag-date sila ni Jake Vargas.

“Hindi, hindi, bonding yun! May mga kasama kami. Si Jeric ang wala.”

Read: Did Jake Vargas date Inah de Belen?

Bida sina Inah, Jake at Jeric Gonzales sa Oh, My Mama!

Sa taping ng naturang GMA Afternoon series nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang cast members nitong Biyernes, October 7 sa Marikina City.

Ayon kay Jeric, hindi siya sumama sa naganap na bonding sa Makati kamakailan para raw magkakilala pa nang husto sina Inah at Jake.

Sina Jeric at Inah naman daw ay mas nauna nang naging close.

Paglinaw niya, “Ha? Hindi, actually may mga kasama kaming group of friends talaga.

“Ako yung organizer.

“Tapos, siyempre lahat kami dito sa show sobrang close na.

“Si Jeric naging close na kami, kasi yung mga unang episodes ng Oh, My Mama! siya yung lagi kong kasama.

“May mga scenes din na kasama si Jake pero kokonti lang.

“Tapos, siyempre nagpu-promo kami, so all the time magkasama na kami.”

BONDING WITH HER CO-STARS. Hiningan namin si Inah ng reaksyon sa sinabi ni Jeric na hindi ito sumama sa bonding para magkaroon ng chance na mas maging close sina Inah at Jake.

“OA siya!” at tumawa ang dalaga.

“OA siya, OA siya!

“Grabe siya! Hindi naman.

“E, ngayon, siyempre kung saan kami nagte-taping ngayon, ang lagi ko nang kasama e si Jake, so siyempre, we’re getting to know each other, ganyan.

“Kasi kay Jeric okay na, e.

“Close na kami.

“So si Jake naman.”

Gumaganap sa Oh, My Mama! si Inah bilang bidang babaeng si Maricel Reyes, si Jake bilang si Julio Sta. Ana, at si Jeric bilang Zach Ynares.

Marami ang nagsasabing bagay sina Inah at Jake, na may chemistry sila.

“Talaga? Paano?” at muling tumawa si Inah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hindi ko puwedeng sabihing hindi, hindi ko din puwedeng sabihing oo.

“Well, let’s just wait and see.

“Pero ngayon siyempre, friends muna and work muna, definitely.”

OPEN TO BEING COURTED. Puwede naman daw ligawan si Inah ngayong 22 anyos na siya. Hindi raw siya pinagbabawalan ng mga magulang niyang sina Janice de Belen at John Estrada.

Dalawa na ang naging boyfriend ni Inah in the past.

Open ba siya kung manliligaw sa kanya si Jake?

Sagot niya, “Oo naman.”

DIFFERENCE BETWEEN JAKE AND JERIC. Ano ang magiging reaksyon niya kapag nanligaw na nga si Jake sa kanya?

“Magugulat ako siyempre,” at muling tumawa si Inah.

“E, kasi… wala lang, magugulat lang ako.”

Ano ang mga katangian ni Jake na hinahangaan niya?

“Actually, dalawa naman sila. Magaganda yung traits nilang dalawa,” pagtukoy ni Inah sa Oh, My Mama! leading men niyang sina Jake at Jeric.

“Pero siyempre magkaiba silang dalawa, e.

“Si Jake tahimik, napakabait niya, super! Magalang siya.

“Si Jeric ganun din naman rin, pero iba si Jeric e, tsaka iba rin si Jake.

“Hindi ko ma-describe kung paano, pero magkaibang-magkaiba talaga sila.”

TOUGH CHOICE. Sa kuwento ng Oh, My Mama! ay may anggulo ng pagkidnap sa mga batang inaalagaan ni Inah na ililigtas nila nina Jake at Jeric.

Kaya tinanong namin si Inah, halimbawang na-kidnap pareho sina Jake at Jeric at siya lamang ang makapaglilgtas sa isa sa dalawa, sino ang ililigtas niya?

“Hahaha! E, di ako na lang ang kidnap-in nila, para fair!” hirit niya.

Siya nga ang tagapagligtas kunwari.

“Hindi puwede, oh my God! Ang hirap. Hindi ko talaga alam.

“Kaya naman nila yung sarili nila, bahala na sila,” at muling tumawa si Inah.

“Hindi, mahirap talaga, kasi friends ko sila, so ako na lang.

“Papa-kidnap na lang ako, pakawalan na lang silang dalawa, ako na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Oh, My Mama! co-star nilang si Gladys Reyes ay mahusay na artista si Inah, na hindi ito maikakailang showbiz royalty.

“Oh my gosh, grabe!” lahad niya.

WORKING ON HER TAGALOG. Ang advise lang ni Gladys kay Inah ay mas mag-aral pa siya ng Tagalog lalo na sa pagde-deliver ng mga linya niya sa Oh, My Mama!

Sa bahay kasi nina Inah ay English silang mag-usap.

Pag-amin niya, “Oo, actually, iyon talaga yung weakness ko.

“Kasi growing up… hindi naman ako American, wala naman akong ibang lahi, pero growing up talaga ang household language namin, English.”

Pero ngayon daw ay laging Tagalog kung kausapin siya ni Janice.

Kuwento niya, “Actually, nasasanay na ako kasi hanggang grade five nag-aaral ako sa International School, e.

“Dun kasi kahit isang word lang ng Tagalog, one peso.”

May multa o fine kapag nagsalita sila ng Tagalog.

Dagdag niya, “If may Filipino class ka, go, pero pag hindi siya Filipino class, bawal kang magsalita [ng Tagalog].”

Mahahaba pa naman ang mga linya niyang Tagalog sa Oh, My Mama!

“Pag conversation kaya ko naman, pero pag mahaba, tapos ina-analyze ko kasi sa utak ko kaya nabubulol ako,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN