Agot Isidro stands firm on 'psychopath' post against President Rodrigo Duterte

IMAGE Alven Tangub

Dalawang magkasunod na posts sa Facebook ang ibinahagi ni Agot Isidro ngayong araw tungkol pa rin sa kanyang naunang post kunsaan tinawag niyang 'psychopath' si President Rodrigo Duterte


Muling nag-public ng kanyang Facebook account ang singer-actress na si Agot Isidro.

Ito ay matapos niyang gawing private ito kaninang umaga, October 9.

Naroon pa rin ang kanyang naunang 'psychopath' post laban kay President Rodrigo Duterte.

Matapos ang ilang oras ay nagdagdag si Agot ng dalawang posts kaugnay pa rin sa kanyang pagkontra sa mga kasalukuyang pronouncements ng pangulo ng Pilipinas.

Ilan na rito ay ang kanyang paghalintulad sa sarili kay Adolf Hitler sa pakikipaglaban sa ilegal na droga.

Kasunod nito ang kanyang pagtutol sa paghahamon ng pangulo na huwag nang umayuda sa bansa ang United States at European Union.

Sa unang post ni Agot, nakasaad dito ang isang kasabihan mula sa healthyplace.com.

Sabi niya, "Good morning, Pilipinas!!!"

Ang nakasaad sa quote: "If you need violence to enforce your ideas, your ideas are worthless."

Kasunod nito ang article tungkol sa psychopath. Sabi niya, "Ayan.. Basahin ng mabuti ha."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN