Maja Salvador hints at a non-showbiz standout among admirers

IMAGE Instagram photo of Maja Salvador

Maja Salvador does not deny she is actively dating: "Dine-date? Non-showbiz? Secret, paubaya na lang ninyo sa akin."


Simple ngunit masaya ang naging pagdiriwang ni Maja Salvador para sa kanyang 28th birthday noong October 5.

Una raw niyang ipinagdiwang ito sa Greece, kung saan nagkaroon ng "One Kapamilya Go" show. Pagkatapos ay nag-celebrate siya kasama ang mga kamag-anak at kaibigan.

“Pag may tumatawag sa aking Ate, Tita, nararamdaman ko na 28 years old na talaga ako.

“Feeling ko 16, sweet 16," sabi ni Maja.

Kuwento pa niya, “Kauuwi ko lang nun galing Greece, nag ‘One Kapamilya Go’ kami sa Greece.

“Thank you sa mga Kapamilya natin dun, binati nila ako.

“Sakto lang nung lumapag ako birthday ko, kaya lang gabi na.

“Nag-dinner na lang kami with friends and family.”

TwenteenEight ????????

A photo posted by MAJASTY???? (@iammajasalvador) on

DATING NON-SHOWBIZ GUY. Samantala, hindi itinanggi ni Maja ang bali-balitang may dine-date siya ngayong non-showbiz guy.

Pero hindi siya nagbigay ng anumang detalye.

Sa halip, sinabi niya, “Yung mommy ko, marami namang special sa buhay ko.

“Basta masaya naman ako.

"Non-showbiz? Hindi, hindi naman, may mga ka-text lang din tayo diyan, mayroong mga nagpaparamdam.

“Dine-date? Yes, that’s a given statement.

“Non-showbiz? Secret, paubaya na lang ninyo sa akin.”

REUNITED WITH ANG PROBINSYANO CAST. Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Maja sa Ang Probinsyano anniversary concert nung Linggo, October 9, sa Araneta Coliseum.

Marami ang natuwa na kasama si Maja sa Ang Probinsyano, Isang Pamilya Concert at marami rin ang nag-aabang sa kanyang pagbabalik sa teleserye.

“Suprise! Yun lang.

“Siyempre masaya din naman kasi how many months.

“Ten months din naman ako nag-taping at lumabas sa Probinsyano.

“Masarap sa pakiramdam na makita ko uli silang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN