Jolina Magdangal hats off to co-host Melai Cantiveros

IMAGE Instagram photo of Jolina Magdangal

Jolina Magdangal (center) says Melai Cantiveros (left) will always be Melai: "Hindi niya talaga mapigilan ang maging maharot. Talagang minsan, sinasabihan namin siya na wag kang magpadyak diyan…ganun pa rin siya kahit alam ko na hirap siya sa paglilihi."

In this photo, Melai and Jolina is with their Magandang Buhay co-host Karla Estrada.

 


Bilib na bilib raw si Jolina Magdangal sa kapwa TV host na si Melai Cantiveros.

Sa kasagsagan raw ng marital problem nina Melai at asawa niyang si Jason Cantiveros, hindi nagsalita ng masama kahit kailan ang una laban sa asawa.

Ayon kay Jolina, “Yun nga ang sabi ko sa kanya, di niya siniraan ang asawa niya kahit sa amin.”

Isa si Jolina sa mga naging masaya nang magkabalikan sina Melai at Jason.

Magkatuwang sina Jolina at Melai, kasama si Karla Estrada, sa morning show ng ABS CBN na Magandang Buhay.

Di nga raw napigilan nina Jolina at Karla na maluha sa isang episode nila nang inamin ni Melai ang pagbubuntis niya sa ikalawang anak nila ng asawa.

Lalo pang naging emotional ang episode nang dumating si Jason kasama ang anak nilang si Mela sa set ng Magandang Buhay.

Alam na pala nila ni Karla ang tungkol sa kalagayan ni Melai.

Nakausap ng PEP.ph (Phlippine Entertainment Portal) si Jolina sa nakaraang Ang Probinsyano, Isang Pamilya Tayo Anniversary Concert noong Sabado, October 8, sa Araneta Coliseum.

Dito ay ikinuwento ng TV host-actress-singer na hindi daw nila talaga napigilang umiyak sa naturang episode ng Magandang Buhay.

Lahad ni Jolina, “Alam naman namin na bago niya ni-reveal.

“Siguro alam naman namin kung ano yung nangyayari talaga, so di na kami nagulat.

“Actually mas naging happy na kami dahil may kapatid na si Mela.

“Kaya kami naiyak, nun na lang namin uli sila nakitang magkasama after ng lahat nang nangyari.

“Kasi the time na hindi sila okay, di rin namin nakikita si Jason.

“Happy kami na magkakatabi na sila na ang tagal naming ginusto ‘yun.”


MELAI IS MELAI. Nagkuwento rin si Jolina sa mga nakikita niyang pagbabago kay Melai.

Aniya, “Bukod sa lumalaki ang tiyan niya,.. hindi niya talaga mapigilan ang maging maharot.

“Talagang minsan, sinasabihan namin siya na wag kang magpadyak diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan talaga di niya napipigilan, ganun pa rin siya.

“Mas happy, mas biglang lumobo, kahit alam ko na hirap siya sa paglilihi.

“Kasi nakaka-usap namin siya, hirap siya talaga.

“Pero pag pumapasok siya sa Magandang Buhay, masaya siya kasi di siya mabigat kasama.”

Pagkatapos ba ng huling guest appearance ni Jason sa Magandang Buhay ay dumalaw pa ulit siya sa set?

“Di na kasi may inaasikaso din siya yata na business nila," sagot ni Jolina.

Dagdag pa niya sa huli, "Hindi rin kami nage-expect na pupunta siya.

“Nung time nga na yun happy kami na nagpunta siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN