Christian Bautista weighs in on Agot Isidro's anti-Duterte post

IMAGE Rose Garcia

Christian Bautista said that people should respect Agot Isidro's opinion, following her recent post where she called President Duterte a 'psychopath.' In the same way, Christian also said that those who don't agree with Agot's opinion also deserve to be respected.


Sumagot si Christian Bautista nang hingan ng opinyon hinggil sa controversial post kamakailan ng kapwa artista at singer na si Agot Isidro, na tinawag na “psychopath” si Pangulong Rodrigo Duterte sa isa niyang social media post.

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'

Pahayag ni Christian, “As some artists have said it already, we all have our own opinion.

“Yun lang, hindi ko na ie-elaborate yun, hindi ko na ie-explain.

“We all have the right to share our own opinion.”

Magkahalo ang reaksiyon ng mga tao sa ginawang post ni Agot.

May mga sumang-ayon sa kanya; kagaya ng kapwa taga-showbiz na sina Cherry Pie Picache, Cynthia Patag, Direk Andoy Ranay, at Leah Navarro. At mayroon din namang sumalungat.

Diin ni Christian, hindi naman kailangang kapareho ng opinyon ng lahat ang opinyon ni Agot.

Ang importante raw ay magkaroon ng respeto sa pagkakaiba-iba ng opinyon.

Saad niya, “Isi-simplify ko lang 'to, that's their opinion.

“If that's their opinion, then that that's their opinion.

“It doesn't have to match your opinion.

“Yung mga hindi agree kay Ma'am Agot, we should also respect their own opinion not to agree with Ma'am Agot.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa press conference ng upcoming concert nila ni Julie Ann San Jose na When Julie Ann Meets Christian, na gaganapin sa Kia Theatre sa November 11.

Nangyari ang press conference sa Packo’s Grill sa Sgt. Esguerra, Quezon City, nitong Lunes, October 11.

Aware din daw si Christian sa mga negatibong reaksiyon ng ibang netizens sa post ni Agot.

May mga nabasa raw siya na kung anu-anong itinatawag sa singer-actress.

Aniya, “Well, kung sinuman ang nagsabi, do you want me to speak to you like that? Porke't hindi ka nag-agree?

“It's okay not to agree. It goes back to the golden rules, gawin ko kaya sa 'yo 'yan, magugustuhan mo ba?

“Nagka-opinyon ka, gagawin ko yun sa 'yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero 'eto, here's the thing. May ibang tao na gusto yun. Nae-energize sila, they want war.

“Gusto nila 'yan at talagang ano rin, so okay, if that's what you want, you will get it also.”

Pagdating sa social media, marami at matitindi ang nakukuhang reaksiyon ng mga artista pagdating sa kanilang mga post.

Nararamdaman ba ni Christian na nalilimitahan ang kanilang kalayaang magpahayag ng opinyon dahil prone silang ma-bash ng maraming tao?

Tugon niya, “In this age? No...

“Kasi, meron din na maraming private individual na kapag nag-comment, bina-bash, sumisikat pa nga.

“Pero siyempre, as celebrity, meron ka na kasing followers, so automatic, papakinggan.

“Pero marami na rin private individual na nagku-comment at sini-share pa nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN