Rachelle Ann Go not attracted to handsome British men?

IMAGE Allan Diones

Rachelle Ann Go on being loveless in London: "Kasi, wala rin akong time. As in parang sasakit lang yung ulo ko. Imagine, I do eight shows a week [sa Les Miserables]? During the day, yun lang yung oras ko sa sarili ko."


LONDON, UK. Magti-three years na si Rachelle Ann Go rito sa London, pero loveless pa rin siya.

Nang makausap siya rito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) two years ago, pagkatapos namin siyang panoorin sa Miss Saigon sa West End, ang sabi ni Rachelle Ann ay walang nanliligaw sa kanya, kahit may tsika noong may foreign guy na nagpaparamdam sa kanya.

Read: Rachelle Ann Go laughs off report that she has a boyfriend in London

Nang makatsikahan namin ulit si Rachelle noong Biyernes, October 7 (London time), sa Covent Garden, casually ay inamin niyang that time na nakahuntahan namin siya back in November 2014 ay may mga umaligid-aligid sa kanyang British guys, pero walang natuloy dahil hindi niya bet ang mga ito.

Ayon sa singer, kailangan ay friends sila nung guy para magkaroon siya ng attraction dito. Hindi raw kasi siya nagkakagusto sa strangers kahit gaano pa ito kaguwapo.

Pero puwede ba siyang ma-in love sa isang Briton?

Sagot ni Rachelle Ann, “Posible naman. Anything is possible.

“I mean, they’re nice, di ba? Sa culture nila, they’re very reserved.

“Mabait naman mga tao dito. Mga pogi sila.

“Pero alam mo yung dahil palagi mong nakikita, lahat ng nakakasalubong mo guwapo, so parang sawa ka na?

“Normal na lang siya. Hindi na ikaw yung parang, ‘Ay, ang guwapo ni kuya!’

“Hindi na. Sanay ka na, e!” natatawang sabi ng Pinay West End star, na kasalukuyang gumaganap bilang Fantine sa longest-running musical na Les Miserables sa Queen’s Theatre.

LOVELESS IN LONDON. Okey lang ba sa kanya na wala siyang love life sa isang malamig na lugar na katulad ng London?

“Oo. Kasi, wala rin akong time.

“As in parang sasakit lang yung ulo ko. Imagine, I do eight shows a week [sa Les Mis]?

“During the day, yun lang yung oras ko sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This season, I’m doing a musical for Hillsong [Church London], so rehearsals ko on Sundays.

“This Sunday, 8 A.M. to 5 P.M. ang rehearsals ko.

“So, wala talaga, super pagod.”

Ang Hillsong ay parang Victory Christian Fellowship sa Pilipinas.

Mayroon silang one-time musical kung saan four shows ang magaganap in one day at isa sa lead stars nito si Rachelle.

Jesus the Rock Opera ang pamagat ng nasabing musical extravaganza.

Sa October 23, Sunday, ito gaganapin (11 A.M., 1:15 P.M., 4 P.M. at 6:15 P.M.) sa Dominion Theatre, kung saan pinapalabas ang musical na The Bodyguard.

Walang bayad si Rachelle sa Hillsong musical na yun.

Napanood daw niya ang ganito ring show noong 2015 at sinabi niya sa sarili na gusto niyang maging bahagi nito.

First time niya raw gagawin na mayroon siyang eight shows sa Les Mis, tapos ay may four shows siya sa Hillsong musical.

Wednesdays and Saturdays kasi ay two shows sila sa Les Mis. Sunday ay rest day, kaya yun ang nakalaan para sa Hillsong.

Last Saturday, October 8, ay 31st anniversary ng Les Miserables, pero walang special show sina Rachelle Ann; may pa-party lang at pa-champagne.

Last year sa 30th anniversary show ng Les Mis ay dumating ang dating cast members tulad ng gumanap na Fantine sa original London cast na si Patti Lupone.

After ng Les Mis stint ni Rachelle Ann dito sa London late this year ay New York-bound naman siya sa simula ng 2017 para sa Broadway revival ng Miss Saigon, kung saan muli niyang gagampanan ang acclaimed role niya bilang si Gigi Van Tranh.

Read: Rachelle Ann Go reveals story behind Broadway debut for Miss Saigon


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN