Rachelle Ann Go happy about Sarah Geronimo's love life

IMAGE Rachelle Ann Go Instagram

Rachelle Ann Go (center) on Sarah Geronimo's (right) decision to take a break from showbiz: "That's her choice. She wants to rest and I respect her for doing that. Because imagine, all your life, you've been doing shows, di ba? You need a break."


LONDON, UK. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rachelle Ann Go sa London ay nausisa namin siya tungkol sa kanyang best friend na si Sarah Geronimo, na very happy ngayon sa piling ng nobyong si Matteo Guidicelli.

Nang umuwi ng Pilipinas kamakailan si Rachelle for a short vacation ay nagkita sila ni Sarah.

Dumating din sa pa-dinner get together niya sina Yeng Constantino at Mark Bautista.

May Instagram post pa si Rachelle na pic nila nina Sarah at Yeng na ang caption niya ay: “DoReMi remake??? What you think? Hmmm. I love these ladies so much!” na may hashtag na #YRS.

Ang DoReMi ay ang hit musical-comedy movie nina Donna Cruz, Regine Velasquez, at Mikee Cojuangco nung 1996.

DoReMi remake??? What you think? Hmmm ???? i love these ladies so much!???? #yrs

A photo posted by Rachelle Ann Go (@gorachelleann) on

SARAH’S LOVE LIFE. Ano ang masasabi ni Rachelle na tahimik ang career ngayon ni Sarah at parang mas gusto nitong magpahinga kaysa magtrabaho?

Saad niya, “That’s her choice. She wants to rest and I respect her for doing that.

“Because imagine, all your life, you’ve been doing shows, di ba? You need a break.

“Ako nga, feeling ko, break ko ‘to, e. Alam mo yung parang wala kang pressure?

“Iba kasi ang showbiz life sa Pilipinas, e.

“Dito sa London, ewan ko, walang pressure.

“Pagod ka nga, eight shows a week ang ginagawa mo, pero walang pressure dahil work lang talaga.

“Puwede kang lumabas nang nakatsinelas, walang pakialam ang mga tao sa ‘yo. Alam mo yun?

“Sa atin, iba, e,” bulalas ng singer.

Hindi ba siya umabot sa ganung punto na mas gusto niyang magpahinga kesa magtrabaho?

Ayon kay Rachelle, “Hindi, kasi I’m not like that.

“I mean, Sarah is a big star, you know.

“E, hindi naman ako umabot sa ganun ka-busy yung life ko.

“Chill lang yung mga show ko. I don’t do movies, I don’t do teleseryes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-teleserye ako before, pero hindi mabigat. Pa-sweet lang.”

So, happy siya for Sarah kahit hindi ito ganun ka-active at ka-visible ngayon sa showbiz?

“Oh, yes. Dapat nga, pupunta siya rito, e. Kaso, hindi naayos yung schedule yata.

“Dito siya dapat sa akin [sa flat ko sa may Covent Garden] mag-i-stay. Sabi ko, ‘Next time!’”

Mag-isa lang si Rachelle sa kanyang London flat na provided ng produksiyon ni Cameron Mackintosh, producer ng Miss Saigon, Les Mis, at ng hit rap musical na Hamilton na magbubukas na rin sa West End by the end of 2017.

Walking distance lang ang teatro ng Les Mis mula sa Covent Garden, kaya mga bandang 5 P.M. ay naglalakad na si Rachelle papuntang Queen’s Theatre.

MEETING MATTEO. Naipakilala na ba sa kanya ng BFF niyang si Sarah ang BF nitong si Matteo?

Ayon kay Rachelle, “Oo, lumabas na kami before sa Manila. He’s really nice.”

Boto ba siya kay Matt for Sarah?

“Oo. Nice boy. As long as she’s happy…” nakangiting pakli niya.

Hindi ba siya naiinggit na parang daig siya ngayon ni Sarah dahil may love life ito, samantalang siya ay wala?

“Masaya na akong masaya sila,” maiksing sagot ni Rachelle.

Kunsabagay, dati naman ay siya palagi yung may love life at si Sarah yung wala, di ba?

“Oo nga, e. Kaya ibibigay ko na sa kanila ‘yan, di ba?

“Ngayon kasi, sobrang tumaas na yung requirements ko sa guy [na magiging karelasyon].

“Feeling ko parang, ‘Posible pa ba ‘to, Lord?’ Para kasing pa-perfect na yung hinahanap ko.

“Hindi ko alam kung bakit, masyado na akong choosy.

“Pero I still believe. I still have faith na darating siya,” ang very hopeful na sambit ng 30-year-old singer-actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN