Ariel Rivera hails President Duterte's fight against drugs, but cringes at his tirades

IMAGE Noel Orsal

Ariel Rivera approves of Rodrigo Duterte's fight against corruption and drugs. "Ang root of our problem in the Philippines is corruption, kasama rin yung drugs. Kung yun ang tina-target niya, good for him."


Ayon sa singer-actor na si Ariel Rivera, sinusuportahan niya ang ginagawang laban ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi man siya talagang nakikisali sa mga diskusyon tungkol sa pulitika, dapat daw talagang puksain na ng Pangulo ang problema ng Pilipinas sa korapsyon.

Saad ni Ariel, “I've always said from the very beginning, one of our biggest problems in the Philippines is corruption.

“Ang root of our problem in the Philippines is corruption, kasama rin yung drugs.

“Kung yun ang tina-target niya, good for him.

“Ayusin niya yung root ng problem natin.”

Dagdag niya, “Okay naman si PNoy [former President Noynoy Aquino], pero kung hahalungkatin ngayon...

“Kasama niya pala si [Senator Leila] de Lima doon, lumala pala yung Bilibid, di ba?

“I understand his [President Duterte] point, I also understand yung mga ginagawa niyang mali.

“Ang hirap sa Pilipinas kasi, sa dami nating problema, dapat piliin mo muna kung ano yung importante, e.”

Bagamat nakasuporta siya sa mga adhikain ng pangulo laban sa korapsyon at drugs, hindi raw pabor si Ariel sa kung paano magsalita ang pangulo sa tuwing lalabas ito sa telebisyon at mag-i-speech.

“He gets my approval, but like I said, when I watch him on TV, nagsasalita, I cringe!

“Tama naman silang lahat, he should be more dignified.

“I like [it] that he's like that, but he has to understand, he represents the Philippines, e.

“Hindi naman siya nagbago noong mayor siya ng Davao, [pero] sakop niya lang Davao, e.

“But right now, he's representing the whole Philippines, may effect yun sa ating lahat, not like sa Davao.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Ariel sa set visit ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang Hahamakin Ang Lahat, sa Tivoli Subdivision, sa Quezon City, ngayong Miyerkules, October 12.

AGOT'S PSYCHOPATH REMARK. Natanong din ng isang reporter si Ariel kung ano ang masasabi niya sa "psychopath" remark na binitawan ng actress-singer na si Agot Isidro patungkol kay President Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ariel, “Everybody should express their opinion.

“I'm totally for whatever Agot said. I agree with her, I do.

“Tama naman yung ginagawa ni Duterte na tina-target niya yung drugs.

“Gusto niyang ilabas yung mga corrupt officials, doon ako sa kanya.

“Pero we have our opinion, we should be able to express our opinion.

“We are a democratic country.”

Matatandaang noong nakaraang linggo ay gumawa ng ingay ang Facebook post ni Agot tungkol kay President Duterte kung saan tinawag niya itong "psychopath."

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'

Bagamat maraming supporters ni President Duterte ang kumontra sa pahayag ni Agot, maraming celebrities din ang nagpaabot ng suporta para sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN