Kris Aquino defends President Duterte from detractors: I want him to succeed.

by Rachelle Siazon
Oct 13, 2016
"If my brother is respectful enough to want to give this administration a chance to succeed, why won't I do the same? Siyempre there will be missteps. Hindi naman lahat kakampi mo. Pero ako, gusto ko na mag-succeed," said Kris Aquino when asked about her stance on President Rodrigo Duterte's leadership.

Inalmahan ni Kris Aquino ang pagtawag na “Dutertards” sa ibang netizens na todo kung makapagtanggol kay President Rodrigo Duterte.

Pahayag ni Kris, “Number one, I resent calling anyone 'tards.'

“Kasi I have a special child, so I'm sensitive to that, even if it's a term that is being used widely.”

Sa panayam ng piling entertainment reporters noong Martes, Oktubre 11, inihayag ni Kris na ang kanyang simpatiya ay na kay President Duterte.

Ito ay sa gitna ng kaliwa't kanang pambabatikos na natatanggap ng pangulo, dala ng kampanya nito laban sa droga at sa pagmumura nito sa mga personalidad na kontra-administrasyon.

Sabi ni Kris, “This will be a controversial statement, but I'll make it anyway.

“I know what it's like na every move you make, napipintasan ka.

“I know what it's like sa pinagdaanan ng brother ko, that for a certain segment ng population, walang tama.

“Pero ngayon, nananahimik siya, di ba? So, I'll take my cue from that.”

Continue reading below ↓

Ang kapatid ni Kris na si dating President Benigno 'Noynoy' Aquino III ay kilalang miyembro ng Liberal Party.

Noong nakaraang eleksyon ay todo ang suporta ng magkapatid sa LP standard-bearer na si Mar Roxas, na ilang beses nakipagpalitan ng maiinit na salita sa noo'y presidential rival na si Duterte.

Sa kabila ng kanilang political differences, iginiit ni Kris na suportado niya ang pamumuno ni President Duterte ngayon.

Paliwanag ng Queen of All Media, “If my brother is respectful enough to want to give this administration a chance to succeed, why won't I do the same?

“Siyempre there will be missteps. Hindi naman lahat kakampi mo.

“Pero ako, gusto ko na mag-succeed.”

Hindi man siya sang-ayon sa ibang kilos ni President Duterte, nararapat din naman daw bigyan ng pansin ang positibong nagagawa ng pangulo.

Pinakapabor daw si Kris sa plano ni President Duterte kaugnay ng health care at pagbaba ng estate tax.

Continue reading below ↓

“Siyempre dapat titingnan mo rin... merong nakakabahala pero merong magaganda.”

Sa huli, inulit ni Kris na mismong kapatid niya ay nirerespeto ang pamumuno ni President Duterte.

“But si Noy, nananahimik, e. He's been through enough to keep quiet.

“So, my God, natuto ako from him!

“There are certain battles worth fighting, and there are certain things na kung pinalaki ka nang tama...

“Isa siya sa konting nilalang na pinagdaanan kung anong meron ngayon si President Duterte, alam niya.

“You give space.”

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"If my brother is respectful enough to want to give this administration a chance to succeed, why won't I do the same? Siyempre there will be missteps. Hindi naman lahat kakampi mo. Pero ako, gusto ko na mag-succeed," said Kris Aquino when asked about her stance on President Rodrigo Duterte's leadership.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results