DOT: No cancellation talks on Philippines hosting Miss Universe

IMAGE Mark Atienza

DOT Usec Kat de Castro (not in photo) on the possibility of the Philippines hosting the next Miss Universe pageant: "Even Pia Wurtzbach tweeted about it already, na konting tiis na lang, magkakaroon na tayo ng announcement."


Positibo pa rin ang Department of Tourism (DOT) na magaganap ang susunod na Miss Universe pageant dito sa Pilipinas sa 2017.

Ayon sa ulat ng PTV News, wala pang anumang cancellation ang DOT patungkol sa paghu-host ng bansa ng prestihiyosong beauty pageant.

Sa panayam ng ilang reporters kay Tourism undersecretary Kat de Castro, sabi niya, “Kahit maraming isyung binabato with regards to the event, we have not received any cancellation talks with Miss Universe.

“Abangan niyo na lang sa mga susunod na araw.”

Nabanggit din niya na kahit mismo si reigning Miss Universe Pia Wurtzbach ay nais matuloy ang Miss Universe sa Pilipinas.

Read: Pia Wurtzbach on PHL hosting Miss Universe: 'Akong bahala, guys.'

Aniya, “Even Pia Wurtzbach tweeted about it already, na konting tiis na lang, magkakaroon na tayo ng announcement.”

Samantala, halos ganito rin ang naging unang mensahe ng Department of Tourism sa ipinalabas na press release kaugnay ng panawagan para hindi ituloy ang Miss Universe sa Pilipinas.

Nakasaad dito, “While the DOT gives due respect to such opinion as signified by a group of women leaders and concerned citizens, we assure everyone that we deem it a great honor to host the distinguished event that portrays the most beautiful and talented women with highest regard.

“In this light, the DOT expresses its utmost gratitude to the Miss Universe Organization of giving us the great opportunity to treat the world to genuine Filipino hospitality.”


Ayon sa ulat ng PTV News, may ilang miyembro ng international team ng Miss Universe Organization ang nagtungo sa bansa para magsagawa ng ocular sa mga lugar kung saan puwedeng gawin ang posibleng Miss Universe activities.

Kung matutuloy, ang Miss Universe Coronation Night ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City, sa January 30, 2017.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN