Anne Curtis, Maine Mendoza exchange comments on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Nagbatian sina Maine Mendoza (kaliwa) at Anne Curtis (kanan) sa Instagram. Mula ang dalawang actress-host sa magkatapat na noontime shows mula sa dalawang magkalabang TV networks. 


Nagkaroon ng maiksing palitan ng komento sina Anne Curtis at Maine Mendoza sa Instagram.

Mula sa magkabilang TV networks at magkatapat pa ang noontime shows ng dalawang sikat na artista sa local showbiz.

Host si Anne sa It’s Showtime ng ABS-CBN, samantalang kasama si Maine sa Eat Bulaga! ng GMA Network.

Noong nakaraang linggo, nag-post si Anne ng poster ng kanyang upcoming movie with Dennis Trillo at Paolo Ballesteros, ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?

Nag-iwan ng komento si Maine sa comments section ng nasabing post ni Anne.


Napansin naman ito ni Anne at nag-iwan ng komento para kay Maine.

Komento ni Anne para sa kalahati ng AlDub loveteam, “Hello, hello.”

Tila na-excite si Maine sa pagkakapansin ni Anne sa kanya kaya sumagot siya.

Binati pa niya ang Kapamilya actress-host sa pelikula na kinabibilangan ni Paolo, na kasamahan ni Maine sa Eat Bulaga.


Truelili. Diba mga beshie? ?????‍???? October 19 na po! #BakitLahatNgGwapoMayBoyfriend

A photo posted by Anne Curtis (@annecurtissmith) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN