Vivian Velez asks Agot Isidro to join her feeding program for malnourished children

IMAGE Noel Orsal / Arniel Serato

Hindi na pinatulan ni Vivian Velez ang patutsada ni Agot Isidro laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa halip, hinikayat niya itong sumama sa kanyang mga isinasagawang feeding programs para bigyang lunas ang malnutrisyon sa bansa.


Isa sa masasabing masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang beteranang aktres na si Vivian Velez.

Isa rin siya sa mga tagapagtaguyod ng mga pulong tungkol sa pangulo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Madalas din niyang ipinagtanggol si President Duterte sa mga bumabatikos dito.

Kaya naman hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Vivian tungkol sa naging komento ni Agot Isidro na ‘psychopath’ o wala na raw sa tamang pag-iisip ang pangulo.

Eksklusibong pahayag ni Vivian sa PEP, “A lot has been said about the issue.

“But if I must say something about it, my take regarding our food security, I'll be more afraid if our farmers stop producing.

“Let us empower our farmers.

“I'll also request Agot to join me in my feeding program in treating malnourished children.

“Keeping things simple...

“Solutions are always best.”

Patungkol ang pahayag na ito ni Vivian sa sinabi ni Agot na: “Ayaw namin magutom. Mag-isa ka na lang. Wag kang mandamay. Hindi na nga nakakain ang nakararami, gugutumin mo pa lalo.”

Read: Agot Isidro calls President Rodrigo Duterte 'psychopath'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN