Lovi Poe says she does not believe in courtship

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe on rumored suitor Chris Johnson: "The thing is, he's not from here, he's far away… which is good  for me. Kasi I don't want to get into anything right now."


Patuloy pa rin ang pagkaka-link kay Lovi Poe sa Frenchman na si Chris Johnson.

For the record, nanlligaw na ba ito sa kanya?

Paliwanag ni Lovi, “The thing is, he's not from here, he's far away.

“So, minsan, yung effort niya, bumibiyahe talaga siya.

“I don't know... I don't believe in courtship kasi.

“Courtship is like putting your best foot forward.

“Di ako naniniwala sa ganun.”

Saan siya mas naniniwala?

“I believe in companionship, kasi you get to know the person even more.

“The thing is, okay naman ako sa ganitong setup.

“Yes, we communicate, pero malayo siya sa akin, which is good for me.

“Kasi I don't want to get into anything right now.

“Gusto ko talaga, sarili ko muna, trabaho muna.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Lovi sa grand media conference para sa The Escort ng Regal Entertainment Inc., na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City, nitong Huwebes, October 13.

LOVE SCENES. Parehong may love scenes si Lovi sa kanyang dalawang leading men sa pelikula na sina Derek Ramsay at Christopher de Leon.

Dahil aniya'y wala siyang boyfriend ngayon, nakatulong ba na wala siyang iniisip na masasaktan niya sa paggawa ng mga eksenang ito?

Ayon kay Lovi, “With or without boyfriend naman, I'll still be able to do it.

“At saka, I'm single, so I'm open naman to dating people.

“Sa mga ganun namang eksena, marami kang maiisip, kasi ngayon mo lang ito gagawin.

“At sa harap pa ng maraming tao, cameras and everything.

“Pero napakasuwerte ako kasi maalaga si Derek, maalaga naman si Sir Boyet.

“So I'm just very lucky nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN